Never Again: Hapong pakpak, limot na kasaysayan
“Ibon mang may layang lumipad, kulungin mo at umiiyak” Matayog ang lipad. Iwinawagayway ang karatulang naghahayag ng kalayaan. Subukan mang tirahin pababa, matutunghayan ang husay nitong umilag. Hindi nagtagal, naglaho na rin ang natatanging galing sapagkat nadama na ang pagod sa pag-iwas sa mga birada. Sa dagsa ng mga sagwil habang naglilibot sa himpapawid, unti-unti […]
NAW 2023: Muling pagkinang ng mga tala sa kalawakan
Mahanging gabi, madilim na alapaap. Kumukutitap na mga bituin at ilaw ng buwan ang nagsisilbing liwanag. Habang binabalot ng katahimikan, nagsisimulang kumawala ang kaluluwa sa katawang-tao. Sa masinsing pagtingin sa kalawakan, maaaninag ang munting mga bulalakaw na nagbibigay-kulisap sa malabong kalangitan. Tinatayang mahigit 14 na bilyong taon na ang lumipas mula nang sumabog ang isang […]
Dimensions: Pagtatanghal sa pagsusumamong itaas ang antas ng pampublikong transportasyon
Handa na ang mga tinipong tinig na ibubuhos sa isang mapaglarong gabi ng musika. Pakiramdaman ang ritmo at hayaang magpadala sa dagitab ng paggalaw sa saliw ng mga himig. Magmasid at buksan nang malawak ang mga mata; huwag palampasin ang gaganapin sa ilalim ng maluwalhating buwan at mga bituin. Inilunsad ng University of the Philippines-Economics […]
Dimensions: Pagliwaliw sa rahuyo ng tinig at tindig
Ibang mundo, ibang tugtugan—muling mabighani sa mga awitin ng UP Fair Dimensions, isang music festival, na handog ng University of the Philippines Economics Society (UP Ecosoc), Pebrero 16. Mangyayari ang tugtugan sa Sunken Garden ng University of the Philippines Diliman. Mapupuno ng kakaibang hiwaga mula sa sari-saring mang-aawit ang music festival na alok ng UP […]
Mula sa Buwan: Pag-iibigan sa gitna ng kagulumihanan
“Kunin mo ang diwa sa aking dibdib at iangkop mo sa iyong pag-ibig. . .” Iba’t iba ang anyo ng pag-ibig. Minsan, makikita ito sa mga kaibigang kaagapay sa unos at ginhawa. Matatanaw rin itong nakakubli sa kaibuturan ng puso ng isang bayaning ipinaglaban ang bayang sadlak sa kahirapan at puno ng dusa. May pagkakataong […]