#TayoAngKulayaan 2023: Maki-beki, huwag mashokot!
Sandamakmak na bahagharing watawat ang namayagpag sa bawat wagayway. Tulad ng katingkaran nito, umapaw ang pag-ibig—ang pagmamahal para sa pagkataong walang sinomang hahadlang subukan mang igapos ang identidad sa tanikala ng lipunan. Lagi’t lagi, magwawagi ang pag-ibig. Lubos na nanaig ang makulay na pagkakakilanlan nang ipinagdiwang ang taunang 2023 Metro Manila Pride March and Festival […]
Masc4masc: Pag-iral ng heterosexism sa komunidad ng LGBTQIA+
Sa isang iglap, sa isang agarang swipe tungong kaliwa o kanan, maaari mong matagpuan ang magpatitibok o dudurog ng iyong puso. Bunsod ng mabilis na pagbabago ng teknolohiya, umusbong ang makabagong paraan ng paghanap at pagkilala sa mga taong pupukaw sa platonic o romantikong interes. Sa paggalugad sa Bumble, Tinder, at iba pang mga dating […]
Situationship: Pagbagtas sa ngalan at tradisyon ng mga romantikong relasyon
Walang kasing tamis ang mga salitang namumutawi sa mga labi ng mga nagmamahalan. Mahirap ding pantayan ang lagkit ng mga yakap at tinginan ng dalawang taong nag-iibigan. Pag-ibig nga naman—tunay na hindi mapipigilan ang mga pusong nagnanasang magmahal. Kaya naman maraming tao ang pumapasok sa mga romantikong relasyon upang ibahagi ang kanilang nararamdaman at tumanggap […]
Close open, close open: Laro nga ba ang pagsabak sa open relationship?
Sa pagbuo ng isang relasyon, basehan ng iba ang paghahanap ng kanilang “The one”—ang kaisa-isang magiging kasangga sa hirap at ginhawa. Subalit, paano kapag kayang matagpuan nang panandalian ang mga naturang senyales sa ibang tao? Maaari bang isa lamang ang nilalaman ng puso habang may iba pang nagpapatibok ng puso at nagpaliligaya sa kama? Kasabay […]
ShoutOut Pinas: Layag ng masining na obra sa mahika ng midya
Payak lamang ang bawat letra at linya—bantilaw at walang buhay habang umiiral nang kaniya-kaniya. Subalit, sa malikhaing pagsasama-sama ng mga salita sa pahina, nabubuo ang bawat kuwento at eksenang pumupuno sa mga teatro at takilya. May kakayahan itong buhayin ang mga natutulog na diwa at ibalik ang kislap ng mga naputol na koneksiyon sa isa’t […]