EDSA 37: Pagbabalik-tanaw sa kasaysayan ng pagpiglas laban sa diktadurya

EDSA 37: Pagbabalik-tanaw sa kasaysayan ng pagpiglas laban sa diktadurya

UMANIB ang Pamantasang De La Salle (DLSU) sa malawakang pagkilos upang gunitain ang ika-37 anibersaryo ng mapayapang EDSA Revolution, Pebrero 20 hanggang 25. Inilunsad ng Pamantasan ang iba’t ibang aktibidad upang buhayin ang diwa ng makasaysayang pagpiglas ng mga tanyag na Lasalyanong martir sa panahon ng Batas Militar at ikinasa ang programang  “Mula sa Dilim: […]
COSMOS: An OPM Festival—pag-indak sa himig ng ligtas, malaya, at inklusibong lipunan

COSMOS: An OPM Festival—pag-indak sa himig ng ligtas, malaya, at inklusibong lipunan

IKININTAL ng University of the Philippines Junior Marketing Association ang mga adbokasiyang pagpapalaya sa kasarian at ligtas na mga espasyong malaya mula sa anomang porma ng diskriminasyon sa ginanap na Cosmos: An OPM Festival A Benefit Concert for Sexual and Reproductive Health Rights, Pebrero 18. Nagtanghal sa naturang konsiyerto ang 20 banda at nagbigay ng […]
COSMOS: An OPM Festival— paghiraya sa sansinukob ng musika, likha, at adbokasiya

COSMOS: An OPM Festival— paghiraya sa sansinukob ng musika, likha, at adbokasiya

SUMILIP muli ang kislap ng University of the Philippines Junior Marketing Association (UP JMA) sa paghahandog ng Cosmos: An OPM Festival na gaganapin sa Sunken Garden ng University of the Philippines Diliman sa Pebrero 18. Matapos ang dalawang taon na pagpapaliban dulot ng pandemya, muling sinikap ng UP JMA na maghandog ng malawakang pagtatanghal upang muling […]
Bato Duwag, Labas! Mandatoryong ROTC, mariin at patuloy na tinututulan ng mga progresibong grupo

Bato Duwag, Labas! Mandatoryong ROTC, mariin at patuloy na tinututulan ng mga progresibong grupo

UMALINGAWNGAW ang boses ng kabataan mula sa iba’t ibang progresibong grupo upang tutulan ang pagraratsada ng House Bill No. 6687 o National Civil Service Training Program Act sa harap ng Senado, Pasay City, Enero 25.  Nagtipon-tipon ang mga progresibong grupo upang ipakita ang puwersang hindi matinag ng sinoman upang isulong ang karapatan ng bawat isa. […]
First Day Fight: Pagtindig ng Kabataan Partylist Vito Cruz tungo sa abot-kayang edukasyon

First Day Fight: Pagtindig ng Kabataan Partylist Vito Cruz tungo sa abot-kayang edukasyon

SINALUBONG ng isang kilos-protesta ang unang araw ng Ikalawang Termino ng akademikong taon 2022-2023 sa Pamantasang De La Salle, Enero 16. Sa pangunguna ng Kabataan Partylist Vito Cruz, isinulong ang mga panawagan laban sa pagtaas ng matrikula at sa nakaambang pagbabalik ng National Citizens’ Service Training (NCST) program. Setyembre 2022 noong inanunsyo ang pagtaas ng […]