Pagsasabatas ng Maharlika Investment Fund, tinuligsa ng mga progresibong grupo
BINATIKOS ng mga progresibong grupo, sa pamumuno ng Student Christian Movement of the Philippines ang pagsasabatas ng Maharlika Investment Fund (MIF) sa pamamagitan ng kilos-protesta sa Mendiola Peace Arch, Hulyo 18. Inilahad ng mga progresibong samahan na League of Filipino Students (LFS), Anakbayan, at Kabataan Party List ang kanilang pagkadismaya sa pamamagitan ng talumpati, rap, […]
Bitak sa daan: Pagratsada ng pribatisasyon ng EDSA Carousel at Ninoy Aquino InternationaI Airport
Matapos ang halos tatlong taon ng pagkalugmok ng bansa sa krisis pangkalusugan, tinatanaw na magkakaroon na ng transisyon tungo sa matatag na kaunlarang hatid ng bagong normal. Sa pagsasakatuparan ng mithiing ito, kinakailangang pisikal na dumalo ang mga mamamayan sa kani-kanilang mga trabaho upang puspusang mapayabong ang ekonomiya ng bansa. Dito papasok ang mabigat na […]
Pabrika ng manggagawa: Pagsiyasat sa penomena ng labor export sa Pilipinas
Kahit nakatungtong sa banyagang lupain, masisilayan pa rin ang tatak ng pawis, tiyaga, at sakripisyo ng mga Pilipino. Ilan lamang ito sa markang iniiwan ng libo-libong Overseas Filipino Workers (OFW) sa iba’t ibang bahagi ng mundong nararating nila bilang eksport ng bansa. Malalim ang implikasyon ng isang kagawarang nakatutok sa mga OFW, sapagkat ipinakikita nito […]
Tinig ng kabataan: Panawagang tunay na representasyon ng mga estudyante sa Student Government Elections, isinulong!
PINANGUNAHAN ng mga progresibong organisasyong Anakbayan Vito Cruz at DIWA sa Pamantasang De La Salle (DLSU) ang panawagan sa paglahok ng mga estudyante sa Student Government Elections (SGE) sa harapan ng Agno Food Court, Hunyo 30. Layon ng iglap-protestang maiparating ang kahalagahan ng pagkakaroon ng tunay na representasyon ng mga estudyante sa ilalim ng administrasyong […]
immUNITY: Pagsipat sa transisyong pandemic tungong endemic na estado ng COVID-19
Sa pagpapalit ng administrasyon, marami ang umaasang matatapos na ang mahigit tatlong taong pamumuhay na may pangamba. Subalit, muli na namang binalot ng agam-agam ang mga mamamayang Pilipino dulot ng mga pagbabago sa pagtugon sa COVID-19 ng bagong Pangulo ng Pilipinas. Napagdesisyonan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi na isailalim sa state of calamity […]