Para po, para kanino?: Pagsipat sa estado ng pampublikong transportasyon
NAGLUNSAD ng tatlong araw na transport strike ang Agoncillo-Guadalupe Jeepney Operators and Drivers’ Association (AGUAJODA) kasama ang Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide sa Pedro Gil, Maynila, laban sa Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP). Nagsimula ang pagwewelga noong Lunes, Nobyembre 20. Sinundan naman ito ng pag-anunsyo ng Samahang Manibela Mananakay at […]
Maharlika I-Scam Fund: Mga kalugian sa loob ng pamumuhunang malabo ang patutunguhan, binusisi
HINDI TINIPID ng mga progresibong organisasyon ang pagpuna sa layon at implikasyon ng Maharlika Investment Fund (MIF) sa pamamagitan ng pagtitipong itinampok ng First Quarter Storm (FQS) Movement sa College of Science Auditorium, Unibersidad ng Pilipinas nitong Oktubre 13. Umalingawngaw ang boses ng pag-agam tungo sa panukalang MIF sa kabila ng patuloy na paglaganap ng […]
Tagisan 2023: Pagharap ng mga kandidato mula Tapat, Santugon sa mga napapanahong isyu sa loob at labas ng Pamantasan
TUMUGON SA TAPATAN ng Tagisan: Special Elections (SE) Debate 2023 ang mga kandidato mula sa partidong Alyansang Tapat sa Lasallista (Tapat) at Santugon sa Tawag ng Panahon (Santugon) sa Room 507 ng Don Enrique T. Yuchengco Hall, Nobyembre 8. Pinangunahan ng De La Salle University Commission on Elections (DLSU COMELEC) ang harapan ng mga tumatakbo […]
Labanan ng mga lungsod: Pagsusuri sa hidwaang panteritoryo ng Makati at Taguig
NANGULILA ang mga residente ng Brgy. Cembo at West Rembo nang magbago ang kanilang nakasanayang pamumuhay matapos kamakailang mapabilang ang kanilang Enlisted Men’s Barrio (EMBO) sa lungsod ng Taguig. Hatid ng pagpalit ng pamumuno ang pag-aalinlangan ng mga dating Makatizen sa kanilang natatanggap na benepisyo at hindi tiyak na kapalaran sa ilalim ng panibagong pamunuan. […]
Isang katapangan ang pag-alala: Ika-51 anibersaryo ng Batas Militar, sinariwa sa Pamantasang De La Salle
BINIGYANG-BUHAY ng pamayanang Lasalyano ang diwa ng katapangan sa pagpiglas at pag-alala sa ika-51 taon mula noong idineklara ang Batas Militar. Sa gitna ng lantarang pagtangkang baluktutin ang kasaysayan ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., anak ng dating diktador, nakikiisa ang Pamantasang De La Salle (DLSU) sa pagsariwa ng makatotohanang naratibo ng mapaniil na […]