Talakayang tungo sa pagiging mahusay na lider, itinampok sa Leadership Symposium: Coalition
BINIGYANG-DIIN ang kahalagahan ng pakikiramay at pakikisama, epektibong komunikasyon, at malikhaing pag-iisip tungo sa pagiging isang epektibong pinuno sa isinagawang Leadership Symposium: Coalition na pinangunahan ng DLSU-Business Management Society (BMS), Enero 16. Nagsama-sama ang mga student-leader mula sa loob at labas ng Pamantasan upang mapakinggan ang pagbabahagi ng mga matagumpay na pinuno sa larangan ng […]
Pangangalampag ng nawalan: Paninikil sa mga katutubong Tumandok
MARIING KINONDENA ng ilang progresibong grupo at mambabatas ang pagpaslang sa siyam at pag-aresto sa 17 katutubong Tumandok matapos ang isinagawang operasyon ng Philippine National Police (PNP) sa isla ng Panay noong Disyembre 30 ng nakaraang taon. Kinilala ang mga napaslang na sina Roy Giganto na tagapangulo ng Tumandok, Reynaldo Katipunan na isang kagawad sa […]
Pagtugon sa hinaing ng mga magsasaka, binigyang-tuon sa Peasant Situationer
TINALAKAY ni Bayan Muna Representative Eufemia Cullamat, Dr. Ernesto Ordoñez, at Keb Cuevas ang kasalukuyang kalagayan at suliraning kinahaharap ng mga magsasaka sa bansa sa idinaos na Peasant Situationer ng DLSU Political Science Society noong Biyernes, Disyembre 11. Binigyang-diin sa talakayan ang tungkulin ng mga kabataan sa pagpapaigting ng suporta sa sektor ng agrikultura sa […]
Nakalimutang balita, pag-asang hindi mahagilap: Filipino seamen, hindi pa rin nahahanap matapos lumubog ang barko sa Japan
Puspusan ang panawagan ng mga pamilya ng 36 na Filipino seafarer matapos lumubog ang Gulf Livestock 1, isang cargo ship, na sinakyan ng mga seafarer mula Japan. Sa ulat ng ABS-CBN News, lulan ng nasabing barko ang 43 tauhan nito, kabilang ang Filipino seafarers, at 6,000 baka nang lumubog ito nitong Setyembre dulot ng Typhoon […]
Sitwasyon ng environmental defenders sa bansa, patuloy na nanganganib
Tinaguriang pinakamapanganib na bansa ang Pilipinas sa buong mundo para sa environmental at land defenders ayon sa pagsisiyasat na inilabas ng Global Witness, isang international non-governmental organization, noong 2019. Bunsod ito ng pagtaas ng bilang ng mga napapaslang na environmental at land defender nitong mga nakaraang taon. Noong 2017, sumampa sa 48 ang bilang ng […]