Panibagong kalaban sa bansang nanghihina: Pangambang dulot ng Lambda variant ng COVID-19, binigyang-tuon
Matapos ang mahigit isang taong pagharap ng bansa sa coronavirus disease 2019 (COVID-19), nakapagtala ang mga siyentista ng panibago at mas nakahahawang variant ng nasabing sakit mula sa Peru na pinangalanang ‘Lambda variant’ o ‘C.37 variant’. Nitong Agosto 15 lamang nang naitala ng Department of Health (DOH) ang kaunaunahang kaso ng Lambda variant ng COVID-19 […]
#YouthVote2022: Kasalukuyang sistema ng pagpaparehistro at kapangyarihan ng boto ng kabataan
PINASINAYAAN ng University Student Government ng Pamantasang De La Salle ang pagtalakay sa “#YouthVote2022 Campaign: State of National Voter’s Registration” kasama ang mga tagapagsalita na sina Pangalawang Pangulo Leni Robredo, Bb. Sarah Jane Asis ng Commission on Elections (COMELEC), at G. Johnny Rosales ng Samahan ng Boto ng Kabataan, Agosto 13. Sa pre-recorded video na […]
Papel ng kabataan sa pagpapaigting ng demokrasya, tinalakay ng DLSU ACG
PINAIGTING ng Arts College Government ng Pamantasang De La Salle Manila (DLSU ACG) ang pagsusulong para sa pagboto ng tamang mga liderato sa Halalan 2022, sa isinagawang panel discussion na pinamagatang “Handang Lasalyano Para Sa Bayan,” Agosto 14. Layunin nitong gabayan ang mga Lasalyano sa tulong ng mga kaalamang ibinahagi nina Josh Valentin, Cleve Arguelles, […]
Pakikipagsapalaran ng mamamayan: Pagsiyasat sa estado ng pampublikong transportasyon sa gitna ng pandemya
Patuloy na umaaray ang mga Pilipino sa kasalukuyang estado ng bansa bunsod ng hindi matapos-tapos na pandemya, at isa ang sektor ng transportasyon sa mga lubhang naapektuhan dahil sa mga pagbabagong kailangang ipatupad ayon sa alituntunin ng kinauukulan. Gayunpaman, sa limitadong pampublikong sasakyan na namamasada, isang malaking hamon ang pagdagsa ng mga pasahero na minsan […]
#YouthVote2022 Campaign: Matalinong pagboto para sa progresong maka-Pilipino
PINAGTIBAY ng University Student Government ng Pamantasang De La Salle Manila (DLSU) ang kampanya para sa pakikilahok ng kabataan sa #Halalan2022 sa “#YouthVote2022 Campaign: Building Blocks of a Voter’s Education Project”, Agosto 6. Binigyang-halaga ng Office of the Vice President for External Affairs (OVPEA) sa proyektong ito ang pagpapalawig sa matalinong pagboto sa makabagong henerasyon, […]