Angking galing ng mga Pilipino sa larangan ng kalusugan at medisina, ipinamalas sa pangunguna ng Atom Pinoy
ITINAMPOK ng mga siyentipikong Pilipino, sa loob at labas ng bansa, ang kanilang mga inobasyon at mga naging karanasan sa larangan ng kalusugan at medisina, sa inilunsad na webinar na pinamagatang “Heartbeats and Hopes: Public Health Innovations” ng Atom Pinoy, Disyembre 11. Binigyang-inspirasyon ng mga dumalong tagapagsalita ang mga estudyante mula sekondarya hanggang tersyarya ukol […]
Hamon ng katatagan: Pagsisiyasat sa tunay na kalagayan ng mamamayang Pilipino sa panahon ng kalamidad
Labis na pangamba ang namayani sa mamamayang Pilipino dulot ng krisis pangkalusugan na nagpapatindi sa hamon ng pagharap sa mga kalamidad na dumarating sa bansa. Bunsod nito, malaking bahagi ng mga pagbabago sa patakaran ang pagsaalang-alang sa kaligtasan ng mga mamamayan mula sa kumakalat na sakit. Subalit sa halip na mas epektibong tugunan ang magkakambal […]
Luha ng buwaya: Matatag na suporta sa anak ng diktador, sinuri ng UP NCPAG Student Council
BINIGYANG-LINAW sa isang talakayang pinamagatang “Inside Out the Echo Chamber: Breaking Down the Popular Support for Bongbong Marcos” na inihandog ng UP National College of Public Administration and Governance Student Council (UP NCPAG SC) ang suportang natatanggap ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. (BBM) para sa kaniyang pagtakbo sa pagkapangulo sa kabila ng kaliwa’t kanang isyung […]
Pasanin ng mga hari ng kalsada: Pagsipa ng presyo ng langis sa gitna ng pandemya
Bukod sa pananakit ng katawan dulot ng maghapong pamamasada, pinalala pa ng pandemya at nang mataas na presyo ng langis ang hirap na dinaranas ng mga tsuper at opereytor. Tinik sa kanilang pag-ahon mula sa pandemya ang siyam na beses na pagtaas ng presyo ng petrolyo sa loob ng halos tatlong buwan. Nasaksihan sa mga […]
Kapangyarihang mapaniil: Pamamahala at pagtugon ng IATF sa panahon ng pandemya
Sinusubok ang katatagan at kakayahan ng mga may kapangyarihang sumandig sa tapat at epektibong paglilingkod tuwing umuusbong ang mga unos na humahadlang sa bansang tahakin ang kaunlarang hinahangad ng bawat isa. Hinahanap ang tiyak na hakbang ng mga pinunong walang habas magbitaw ng mga pangakong kanila ring ibinabaon sa limot matapos maluklok sa kapangyarihan. Sa […]