Simbolo ng kaluwalhatian: Pagsisiwalat sa magastos na eleksyon sa Pilipinas
Hindi bago sa pagpapawari ng taumbayan ang malaking perang inilalaan ng mga kandidato sa kanilang pangangampanya. Iba’t iba ang pamamaraan ang kanilang isinasagawa upang maiparating ang kanilang hangaring maglingkod at iparanas ang kaginhawaang dala ng kanilang mga plataporma. Subalit, sa kabila ng malawak at matatag na politikal na makinarya ng ilang mga kandidato, tila nakakubli […]
Taksil sa bayan: Panawagan sa pagtataas ng pamantayan para sa mga ihahalal na pambansang lingkod-bayan
Sa nalalabing mga araw bago ang Halalan 2022, puspusang nangangampanya ang mga kandidato na naghahangad makakuha ng upuan upang maging lingkod-bayan. Sumusulpot ang kanilang iba’t ibang estratehiya upang makuha ang boto ng taumbayan. Gayunpaman, upang mabisang makakuha ng suporta, nararapat lamang na isulong nila ang kanilang mga plataporma at tunay na intensyon hinggil sa posisyong […]
Solusyong nakaangkla sa agham at teknolohiya, ibinida ng Department of Science and Technology
BINIGYANG-DIIN ang kakayahan ng agham at teknolohiya na tugunan ang lumalalang krisis sa bansa sa ginanap na webinar na “National DOST Scholars’ Summit 2022: Transcending Resonance,” Abril 24. Bilang ikalawang bahagi ng tatlong araw na webinar, layon ng programang EXPLORE na ibida ang mga hindi kilalang larangan sa konsepto ng agham. Hangganan ng pagkakasadlak Mahigit […]
[SPOOF] Baby Macoy Junjun Rally, inspirasyon ng LTFRB sa paggamit ng Dump Truck bilang pampublikong transportasyon
Simpleng solusyon sa komplikadong problema—ito ang tema ng Lakwatsa Tayo For Real Beh (LTFRB). Dahil sa patuloy na oil price hike, hindi maikakailang mas pipiliin na lamang ng masa ang magtrabaho sa kani-kanilang tahanan upang makaiwas ng gastos sa mahal na gasolina. Bunsod nito, nagsilbing inspirasyon ng LTFRB ang paggamit ng kampo ni Baby Macoy […]
[SPOOF] Zombieland ng Silanganan: Acutesta, may patutsada kontra sa mandatoryong pagpapabakuna
Pinangangambahan ng buong bansa ang simula ng zombie apocalypse kasunod ng pagtaas ng bilang ng mga nagpapabakuna. Matatandaang kumalat kamakailan ang balita tungkol sa isang taong naging zombie matapos niyang kagatin ang kaniyang kapitbahay sa Balesiya City, Bukidnon. Nagtamo ng mga sugat ang biktima na nagdulot nang mabilis na pagkalat ng impeksyon at biglaang kombulsyon. […]