Paglalatag ni Marcos Jr. ng kaniyang ipinangakong “bagong lipunan,” inaasahan sa kaniyang unang SONA
INAABANGAN ng sambayanang Pilipino ang unang State of the Nation Address (SONA) ng bagong halal na pangulo na si Ferdinand Marcos Jr. sa Batasang Pambansa Complex sa Lunes, Hulyo 25. Simula pa lamang ng kaniyang kampanya hanggang maupo bilang ika-17 pangulo ng bansa, mabibigat na pangako ang kaniyang binitiwan sa taumbayan, mula sa sama-samang pagbangon […]
Legasiyang Duterte: Ekonomiya ng pagpaslang at kawalang-pananagutan
SINISINGIL ng masang Pilipino ang mga binitiwang pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang nalalapit na ang pagtatapos ng kaniyang termino sa Palasyo. Bago umupo ang susunod na pangulo, masusing sinisiyasat ng mga eksperto at mamamayan ang iiwang legasiya ng kasalukuyang administrasyon na maipapasa sa susunod na mga pinuno ng Pilipinas. Sa ibang salita, sinusuri kung […]
Makulay at makabuluhan: #AtinAngKulayaan 2022 Metro Manila Pride March and Festival, ipinagdiwang
DINAGSA ng halos 20,000 katao ang Cultural Center of the Philippines grounds upang ipagdiwang ang 2022 Metro Manila Pride March and Festival matapos ang dalawang taong pagdiriwang nito sa online na moda bunsod ng COVID-19, Hunyo 25. Bitbit ang temang “Atin Ang Kulayaan,” bumida ang pagdiriwang na nakasentro sa pagmamahalan at sekswalidad ng mga indibidwal. […]
Independiyenteng pangangalampag: Pagsisiyasat sa pagtindig ng mga independent na kandidato tuwing halalan
PUMIPIGLAS sa umiiral na sistemang politikal ang mga indibidwal na tumatakbo bilang independent candidate tuwing halalan. Sa isang bansang namamayagpag ang mga partidong politikal, malaking balakid at malaking impluwensya ang kanilang politikal na makinarya upang makilala rin ng mamamayan ang mga kandidatong plano lamang ang matibay na puhunan sa pangangampanya. Buhat nito, lalong nasusubok ang […]
Panganib ng kasinungalingan: Katotohanan sa panahon ng halalan
Isa ang Pilipinas sa mga bansang may pinakamaraming bilang ng mamamayan at pinakamatagal na gumagamit ng social media sa buong mundo. Para sa isang social media capital, isa itong hamon sa lahat ng mamamayan bunga ng kaliwa’t kanang propaganda na nakikita na maaaring magbigay-impluwensya sa ideolohiya ng isang tao. Sa ulat ng advertising firms na […]