#TamaNaFees: Unity walk para sa pagsulong ng 0% tuition fee increase, inilunsad ng DLSU USG
“Edukasyon, edukasyon, karapatan ng mamamayan!” IDINAOS ng University Student Government (USG) ang isang unity walk sa De La Salle University – Manila bilang pagtutol sa nakaambang pagtaas ng matrikula sa susunod na akademikong taon 2025–2026, Pebrero 5. Nagsimula ang protesta sa Yuchengco Grounds at nagpatuloy sa Central Plaza, St. Joseph Hall Walkway, Velasco Hall, at […]
Mitsa para sa hustisya: DLSU, nakibahagi sa One Taft Candle Lighting and Prayer for the Nation
“Tama na! Sobra na! Kilos na!” NAKIISA ang De La Salle University (DLSU) sa pagdaos ng “One Taft Candle Lighting and Prayer for the Nation” bilang panawagan kontra sa kahirapan, korapsyon, at kawalan ng pananagutan ng gobyerno sa St. La Salle Hall Facade, Enero 30. Pinangunahan ng Committee on National Issues and Concerns at Taumbayan […]
“Anong pag-asa ang bitbit mo?”: Akbayan Youth Orientation Seminar, pinalakas ang tinig ng mga kabataan tungo sa progresibong pagbabago
ITINAMPOK ng Akbayan Youth, isang progresibong politikal na organisasyon, ang kanilang bisyon sa gitna ng mga lumalalang isyung panlipunan sa bansa sa idinaos na Akbayan Youth Orientation Seminar, Enero 15. Isinulong sa diskusyon ang pagtataguyod ng isang makatarungang lipunang may pantay na oportunidad at karapatan para sa lahat. Pinagtuunan din ng pansin ang malalim na […]
Agarang aksiyon para sa climate emergency, isinulong sa KAMALAYAN
BINIGYANG-LALIM sa Kamustahan ng Malalayang Lasalyano (KAMALAYAN) ang usapin ukol sa pagbabago ng klima at kahalagahan ng pagdeklara ng climate emergency sa Pilipinas sa pangunguna ng De La Salle University Committee on National Issues and Concerns at Sustainability Hub-Manila sa Teresa Yuchengco Auditorium, Enero 15. Nagbigay-aral sina Lou Arsenio, ecology coordinator ng Roman Catholic Archdiocese […]
Usaping basura: Likas-kayang solusyon, tinalakay; oportunidad sa kolaborasyon, pinagtibay
INILATAG sa “Pathways to Environmental Governance: Community Engagement in Waste Management” ang kasalukuyang problema sa basura kasabay ng pagdiriwang ng International Zero Waste Month sa pangunguna ng Center for Social Concern and Action at ng Sustainability Hub-Manila sa Pablo Nicolas Auditorium, Enero 15. Layunin ng programang tutukan ang mga hamon sa pamamahala ng basura at […]













