Pagpapaigting sa online na serbisyong medikal sa gitna ng pandemya: Pangangailangang pangkalusugan ng mga Lasalyano, binigyang-tuon
INIHANDOG ng Health Services Office (HSO) ang serbisyong telemedicine at teleconsultation na nagsimula noong Disyembre 15 para sa mga Lasalyano na nais magpakonsulta online bunsod ng mga limitasyon sa personal na konsultasyon dulot ng pandemya. Sa kabilang banda, inalam naman ng Ang Pahayagang Plaridel (APP) ang kaalaman at saloobin ng mga estudyante ukol sa mga […]
Pagbibigay-bisa sa Lasallian Center for Inclusion, Diversity, and Well-being, isang hakbang tungo sa mas ligtas at inklusibong Pamantasan
PINAIGTING ng Pamantasang De La Salle (DLSU) ang layunin nitong maitaguyod ang prinsipyong Lasalyano na pagiging inklusibo at mapagmalasakit sa pamamagitan ng pagtatatag ng Lasallian Center for Inclusion, Diversity, and Well-being (LCW). Inaasahang magiging opisyal na tanggapan ang nasabing yunit sa susunod na taon, AY 2021-2022. Ipinaliwanag ni Fritzie Ian De Vera, Vice President for […]
Pagtatalaga kay Acis sa COA, pinangasiwaan sa LA Session
HINIRANG bilang Vice Chairperson for Administration ng Commission on Audit (COA) si Kaycee Acis, kasalukuyang officer-in-charge for Administration ng COA, sa sesyon ng Legislative Assembly (LA), Enero 29. Ipinagpaliban naman ang ikalawang resolusyon ukol sa pagsasakatuparan ng mga rekisito ng COA para sa clearance ng University Student Government (USG). Giit ni Michele Gelvoleo, mula Laguna […]
Tatlong magkaibang liderato, pinag-isang bisyon: Pagkilatis sa mga patakarang inihandog ng tatlong komite ng LA
IPINASULYAP ng mga nanungkulang chairperson ng tatlong komite ng Legislative Assembly (LA) ang mga platapormang naipatupad kasabay ng pagtatapos ng kanilang termino. Kabilang ang mga komiteng Student Rights and Welfare (STRAW), Rules and Policies (RnP), at National Affairs (NatAff) sa mga nagsusulong ng mga inisyatibang may kinalaman sa mga pangyayari sa loob at labas ng […]
Kauna-unahang Automated Make-Up Elections, isasakatuparan na
KASADO NA ang Automated Make-up Elections pati na rin ang University Student Government (USG) Constitutional Plebiscite sa pangunguna ng De La Salle University Commission on Elections (DLSU COMELEC) katuwang ang User Experience Society (UES), La Salle Computer Society (LSCS), at Legislative Assembly (LA). Pangangasiwa sa unang automated elections Ibinahagi ni COMELEC Chairperson John Christian Ababan […]