Pag-arangkada tungo sa tagumpay: DLSU Eco Car Team, napabilang sa siyam na finalist ng Shell Eco-marathon
HUMARUROT tungo sa pandaigdigang kompetisyon ng Shell Eco-marathon ang koponan ng Pamantasang De La Salle (DLSU) na DLSU Eco Car Team (DLSU ECT). Mula sa 50 kalahok, napabilang ang DLSU ECT sa siyam na koponang naglalaban-laban para sa titulong global winner ng naturang kompetisyon. Nakatapat nila rito ang mga koponan mula sa Brazil, Egypt, India, […]
Solusyon o panibagong suliranin?: Pagkilatis sa bisa ng polisiya ng staggering GE courses sa enlistment
SINALUBONG ng Pamantasang De La Salle (DLSU) ang bagong sistema ng enrollment sa mga kurso ng General Education (GE) o Lasallian Core Curriculum (LCC) nang magsimula ang ikatlong termino ng akademikong taon 2020-2021. Isinulong ng LCC Office ang inisyatibang staggering GE courses na naghati ng mga nakalaang slot sa mga nasabing kurso. Inanunsyo ang pagpapatupad […]
Pagtatatag sa Student Services Hub at boluntaryong pagtatalaga ng USG operational funds sa LSWP, kasado na
PINANGASIWAAN sa sesyon ng Legislative Assembly (LA) ang pagsasagawa at pagpapanatili ng Student Services (SS) Hub sa ilalim ng Office of the Vice President for Internal Affairs (OVPIA), Hulyo 23. Tinalakay rin sa pagpupulong ang pagkakaroon ng boluntaryong alokasyon ng labis na operational funds ng University Student Government (USG) sa Lasallian Student Welfare Program (LSWP). […]
Mga rebisyon sa USG Constitution, hinimay ng Judiciary Department
TINALAKAY ng University Student Government – Judiciary Department (USG-JD) ang mga rebisyon sa USG Constitution sa isang webinar, Hulyo 16. Matatandaang inaprubahan ng 91.45% ng mga estudyante ng Pamantasang De La Salle (DLSU) ang plebisitong nagsusulong ng mga pagbabago sa nasabing konstitusyon noong unang termino ng kasalukuyang akademikong taon. Ipinahayag ni Chief Magistrate Jericho Jude […]
Proseso sa pagkompleto ng mga rekisito ng mga tatakbong kandidato, isiniwalat sa COC Documents Submission Webinar
INILATAG ng Commission on Elections (COMELEC) ng Pamantasang De La Salle (DLSU) ang mga panuntunan sa pagbuo ng mga nakapaloob na rekisito sa Certificate of Candidacy (COC) sa kaunaunahang COC Documents Submission Webinar, Hulyo 16. Dinaluhan ito ng mga kinatawan mula sa partidong Alyansang Tapat sa Lasallista (Tapat), Santugon sa Tawag ng Panahon (Santugon), at […]












