Paghahanda para sa Halalan 2022: Pagsilip sa proyektong Boto Lasalyano, Sulong Pilipino ng DLSP

Paghahanda para sa Halalan 2022: Pagsilip sa proyektong Boto Lasalyano, Sulong Pilipino ng DLSP

PANGANGASIWAAN MULI ng De La Salle Philippines (DLSP), katuwang ang Office of the Vice President for External Affairs (OVPEA) at Center for Social Concern & Action (COSCA), ang Boto Lasalyano, Sulong Pilipino (BLSP) 2022. Hangarin ng proyekto na mapaghandaan at makatulong sa maayos na pagboto ng pamayanang Lasalyano para sa nalalapit na Halalan 2022.  Matatandaang […]
Pagtataguyod ng representasyon at karapatan ng mga Lasalyano, pinangasiwaan sa sesyon ng LA

Pagtataguyod ng representasyon at karapatan ng mga Lasalyano, pinangasiwaan sa sesyon ng LA

INAPRUBAHAN sa sesyon ng Legislative Assembly (LA) ang panukalang nakatuon sa pagtatag ng Council of Program Representatives (COPR), Agosto 20. Inusisa rin sa nasabing sesyon ang mga resolusyon ukol sa pagrepaso ng Students’ Charter at paglaan ng tulong-pinansyal para sa persons with disabilities (PWD). Ipinagpaliban naman pansamantala ang pagtalakay sa mga resolusyon ukol sa panawagan […]
#LigtasNaBalikEskuwela: Vaccination program ng DLSU, salik na isinasaalang-alang sa pagbabalik-Pamantasan

#LigtasNaBalikEskuwela: Vaccination program ng DLSU, salik na isinasaalang-alang sa pagbabalik-Pamantasan

BINIGYANG-TUON ng Pamantasang De La Salle (DLSU) ang pagbibigay sa pamayanang Lasalyano ng karagdagang proteksyon kontra-COVID sa pamamagitan ng paglulunsad ng sariling vaccination program nito. Bahagi ito ng plano ng administrasyon nang inilunsad ang Lasallians Action on the Coronavirus Threat upang makapagbigay ng ilang paalala para sa kalusugan at kaligtasan ng mga Lasalyano sa gitna […]
Iba’t ibang suliranin sa Timog-Silangang Asya, binigyang-pansin sa ASEAN Youth Week 2021

Iba’t ibang suliranin sa Timog-Silangang Asya, binigyang-pansin sa ASEAN Youth Week 2021

NAGTIPON-TIPON sa kaunaunahang ASEAN Youth Week (AYW) ang mga delegado mula sa iba’t ibang panig ng Timog-Silangang Asya, mula Agosto 1 hanggang Agosto 14. Binubuo ito ng serye ng mga webinar at aktibidad na nakasentro sa pagbibigay ng plataporma sa bawat kalahok na bansa upang talakayin ang mga kinahaharap nilang suliranin.  Pinangunahan ito ng Asean […]
#VibeWithAPurpose: REVIBE Sync to the Beat, inihandog ng BMS

#VibeWithAPurpose: REVIBE Sync to the Beat, inihandog ng BMS

PINASINAYAAN ng Business Management Society (BMS) ang REVIBE: Sync to the Beat, isang digital festival na binubuo ng mga interaktibong palaro at benefit concert, Agosto 13 at 14. Layon ng kabuuang programang makalikom ng donasyon mula sa mga manonood para sa kanilang benepisyaryo, kasabay ng pagtatampok ng industriya ng musikang Pilipino. Pinatotohanan ng REVIBE ang […]