Pagpapabaya at pagliban ni Mapoy sa mga sesyon ng LA, dininig sa trial hearing ng USG-JD
SINURI sa isang trial hearing ng University Student Government Judiciary Department (USG-JD) ang kasong negligence na inihain laban kay Anton Mapoy, kinatawan ng Legislative Assembly (LA) ng BLAZE2020, bunsod ng kaniyang pagliban nang walang paalam sa mga sesyon ng LA, Setyembre 15. Nakapagtala si Mapoy ng anim na unexcused absences at isang tardiness magmula nang […]
Sa likod ng mga inisyatiba: Mga natatanging organisasyon at estudyanteng lider, kinilala sa Lasallian Excellence Awards
BINIGYANG-PARANGAL sa Lasallian Excellence Awards (LEA) 2021 ang mga organisasyon sa ilalim ng Council of Student Organizations (CSO) at mga estudyanteng lider nito upang kilalanin ang kanilang natatanging kontribusyon sa ngalan ng serbisyo sa Pamantasan at sa bayan, Setyembre 11. Layon ng LEA na magsilbing inspirasyon upang maging mas aktibo ang mga Lasalyano sa pagsusulong […]
Kasong isinampa laban kay Dabao, binigyang-hatol ng USG-JD
HINATULANG GUILTY ng University Student Government – Judiciary (USG-JD) ng Pamantasang De La Salle (DLSU) si Celine Dabao, kinatawan ng Legislative Assembly (LA) ng EDGE2018, sa kasong negligence at gross negligence dahil sa kaniyang pagliban nang walang paalam sa mga sesyon ng LA, Setyembre 10. Isinampa nina Katkat Ignacio, EXCEL2021, at Aeneas Hernandez, EXCEL2022, na […]
Pagkakaroon ng manwal para sa absences at missed requirements, kasado na
IPINASA sa ikaanim na espesyal na sesyon ng Legislative Assembly (LA) ang resolusyon ukol sa pagkakaroon ng manwal para sa absences at missed requirements, Setyembre 10. Ipinagpaliban naman pansamantala ang resolusyon ukol sa rebisyon ng manwal para sa mental health task force. Ayon kay Katkat Ignacio, EXCEL2021, mas mabuting pag-usapan na lamang ito sa susunod […]
Kasong negligence dahil sa pagliban sa mga sesyon ng LA, inilatag sa hearing ng USG-JD
DININIG ng University Student Government Judiciary Department (USG-JD) ng Pamantasang De La Salle (DLSU) sa isang plea hearing ang kasong negligence na inihain laban kina Celine Dabao, EDGE2018, at Anton Mapoy, BLAZE2020, mga kinatawan ng Legislative Assembly (LA), dahil sa kanilang pagliban nang walang paalam sa mga sesyon ng LA, Setyembre 6. Isinampa nina Katkat […]











