Pinakamahuhusay na miyembro ng pamayanang Lasalyano, binigyang-karangalan sa Gawad Lasalyano 2023
BINIGYANG-PARANGAL ang mga natatanging miyembro ng Pamantasang De La Salle (DLSU) sa Gawad Lasalyano 2023 sa Teresa Yuchengco Auditorium, Marso 8. Idinaraos taon-taon ang seremonya upang kilalanin ang mga estudyante, guro, at mga kawani ng Pamantasan na nagpamalas ng husay at galing sa iba’t-ibang sektor at larangan mula sa nagdaang akademikong taon. Matapos ang dalawang […]
Pagtalaga at pagbitiw sa puwesto ng mga opisyal ng USG at LCSG, inilatag sa unang regular na sesyon ng LA
IKINASA sa unang regular na sesyon ng Legislative Assembly (LA) ang pagtalaga sa puwesto ng tatlong opisyales kasabay ng pagbaba sa puwesto ng dalawa pang opisyales ng University Student Government (USG) at Laguna Campus Student Government (LCSG), Marso 8. Mga aasahan sa bagong liderato Pinangunahan ni Cece Garcia mula LCSG ang pagluklok sa puwesto kay Kelsey Salud […]
Titindig at lalaban: EDSA Commemorative Walk, pinukaw ang diwang makabayan ng pamayanang Lasalyano
BINIGYANG-BUHAY ng pamayanang Lasalyano ang ika-37 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution sa isinagawang Commemorative Walk mula Corazon Aquino Democratic Space (CADS) tungo sa harapan ng St. La Salle Hall, Pebrero 27. Kinumpleto nito ang isang linggong programang “Mula sa Dilim: EDSA 37, Muling Dalawin” na proyekto ng Pamantasang De La Salle (DLSU) upang linangin ang kamalayan hinggil sa makabuluhang […]
Pinalawig na oportunidad para sa mga Lasalyano, handog ng DLSU Job Expo
DINAGSA ng mga estudyante at alumni ng Pamantasang De La Salle ang Job Expo na pinamagatang Stellaris: Surpassing Boundaries sa Corazon Aquino Democratic Space, Pebrero 20 hanggang 22. Nagpatuloy naman ang mga programa ng bawat kompanya hanggang Pebrero 25. Matatandaang isinagawa nang birtwal noong nakaraang taon ang company roadshow dulot ng kinahaharap na pandemya. Itutuloy […]
Balitaktakan sa pagtaas ng matrikula para sa susunod na akademikong taon, ikinasa sa USG Town Hall Meeting
MAGTATAAS ang matrikula ng apat na porsyento sa susunod na akademikong taon, ayon sa pagsisiwalat ng University Student Government (USG) sa Town Hall Meeting sa Room 703, Br. Andrew Gonzalez Hall mula ika-2:30 hanggang ika-4:30 ng hapon, Pebrero 23. Mula ito sa inilatag na 5.8% ng Association of Faculty and Educators of DLSU Inc. (AFED) […]













