Paghahandang isinasagawa hinggil sa paglulunsad ng hybrid learning sa DLSU, sinuri
BUBUKSAN NANG MULI ng Pamantasang De La Salle (DLSU) ang pintuan nito matapos ang dalawang taong pagsasagawa ng klase sa online na moda bunsod ng pandemya. Kaugnay ito sa inilabas na Help Desk Announcement ng Office of the Provost noong Mayo 20 bilang bahagi ng planong malawakang pagsasagawa ng face-to-face na mga klase ng DLSU. […]
Face-to-Face Commencement Exercises, pinaghahandaan na ng DLSU
INILATAG NA ng Pamantasang De La Salle (DLSU) ang plano nito hinggil sa pagsasagawa ng face-to-face na pagtatapos mula sa ika-188 hanggang ika-193 Commencement Exercises (CE), na gaganapin sa Philippine International Convention Center (PICC). Matatandaan na tanging sa birtuwal na moda lamang isinagawa ang pagtatapos para sa ika-188 hanggang ika-192 batch. Bunsod nito, hinangad ng […]
Mas pinadaling proseso ng mga transaksyon sa Pamantasan, hatid ng The CONCiERGE Support Portal
PINASINAYAAN ng Office of the Vice President for Administration, katuwang ang 15 piling mga opisina, ang The CONCiERGE Support Portal, Hunyo 13. Ayon kay Kai Shan Fernandez, vice president for administration ng Pamantasang De La Salle (DLSU), binubuo ng iba’t ibang pasilidad na may kaugnayan sa mga transaksyong pampamantasan ang naturang portal. Kaugnay nito, sinuri […]
Panunungkulan ng DLSU University Student Government sa Pamantasan, pinalawig
MAGPAPATULOY ang panunungkulan ng mga opisyal ng University Student Government (USG) ng Pamantasang De La Salle (DLSU), alinsunod sa Legislative Act No. 2022-18. Batay sa naturang dokumento, magtatagal ang kanilang termino hanggang sa unang termino ng akademikong taon 2022-2023 o sa oras na maiproklama ang mga mananalo sa susunod na General Elections. Ipinanukala ang pagpapalawig […]
Pagtataguyod ng Unconstitutional Materials and Statements Act of 2022 at USG Code of Violations, ikinasa sa sesyon ng LA
ITINAMPOK sa ikapitong espesyal na sesyon ng Legislative Assembly (LA) ang pagpapatupad ng Unconstitutional Materials and Statements Act of 2022 at University Student Government (USG) Code of Violations, Setyembre 14. Isinapormal din ang planong pagsasagawa ng face-to-face na sesyon matapos ianunsyo ni Chief Legislator Francis Loja ang natanggap na pahintulot mula sa Office of Student […]