Pagpapatibay ng karapatan at relasyon sa kampus ng Laguna, sagot ng LCSG sa mga pangmatagalang problema

Pagpapatibay ng karapatan at relasyon sa kampus ng Laguna, sagot ng LCSG sa mga pangmatagalang problema

BINIGYANG-LALIM ni Laguna Campus Student Government (LCSG) President Nauj Agbayani ang epekto ng mahinang representasyon para sa De La Salle University (DLSU) Laguna Campus sa pagtataguyod ng karapatang pang-estudyante.  Inilatag din ni Agbayani ang mga repormang ipinatupad ng kaniyang pamahalaan upang mapabuti ang mga administratibong proseso at oportunidad para sa mga Lasalyano sa Laguna. Lugar […]
Sa likod ng mga kasong elektoral: Patas na hatol sa mga sigalot sa halalan, binabantayan ng Judiciary

Sa likod ng mga kasong elektoral: Patas na hatol sa mga sigalot sa halalan, binabantayan ng Judiciary

PINANANATILI ng Judiciary (JD) ang pantay na distribusyon ng kapangyarihan sa loob ng University Student Government (USG) at mga eleksiyong pangkampus sa bisa ng prosesong hudisyal na gumagabay sa mga kaso ng iba’t ibang panig sa halalan. Hinawakan ng JD ang mga kasong SANTUGON v. COMELEC sa Maynila at LIKAS COALITION v. COMELEC sa Laguna […]
Hanggang pula’t asul na lamang ba?: Demokrasya, nababaon sa dominasyon ng mga partido

Hanggang pula’t asul na lamang ba?: Demokrasya, nababaon sa dominasyon ng mga partido

“Ang mga eleksiyon ay dominado ng Alyansang Tapat sa Lasallista at Santugon sa Tawag ng Panahon—kahit manalo sila o hindi, makatakbo o hindi.” DUMAING ang mga estudyante para sa nararanasang limitasyon sa pamimilian at pagkakahati ng mga botanteng Lasalyano dulot ng monopolisasyon ng dalawang partidong politikal sa mga halalan ng University Student Government. Karapatang pinoprotektahan […]
Paggalugad sa iregularidad: Mga aberya sa prosesong elektoral sa DLSU, kinilatis

Paggalugad sa iregularidad: Mga aberya sa prosesong elektoral sa DLSU, kinilatis

MULING NABALOT ng kontrobersiya ang prosesong elektoral sa De La Salle University (DLSU) bunsod ng patuloy na pag-usbong ng mga alegasyon at iregularidad sa Commission on Elections (COMELEC) at mga partidong politikal nitong Special Elections (SE) 2024. Binalangkas nina Alex Brotonel at Maegan Ragudo, mga dating pangulo ng University Student Government (USG), ang mga pinagmumulan […]
Pangakong serbisyo ng mga kandidato, tampok sa MDA ng SE 2024

Pangakong serbisyo ng mga kandidato, tampok sa MDA ng SE 2024

INILATAG ng mga kandidato mula sa Santugon sa Tawag ng Panahon (SANTUGON) ang kani-kanilang plataporma sa isinagawang Miting de Avance ng Special Elections 2024 sa The Meadow, Nobyembre 9.  Binigyan ng tatlo, lima, at walong minuto ang mga tumatakbong batch officer, college assembly president (CAP), at executive board member upang ipahayag ang kanilang mga hangarin […]