Paghirang sa mga bagong opisyal ng USG at LCSG, isinapormal sa ikatlong espesyal na sesyon ng LA
INILUKLOK bilang mga batch president sina Nicole Sagovac ng 78th ENG, Kevin Tejano ng 79th ENG, Aliexandra Po ng CATCH2T25, Annika Campos ng CATCH2T26, Kiana Hernaez ng EXCEL2027, at Aaliyah Villanueva ng EDGE2024 sa ikatlong espesyal na sesyon ng Legislative Assembly, Enero 15. Pinangalan din sina Andre Villanueva bilang deputy ombudsman at Isaac Armogenia bilang […]
Mga bakanteng posisyon sa ehekutibong komite ng USG, pinunan; pagbibitiw ni Associate Magistrate Pasague, nilagdaan
HINIRANG sina Xymoun Rivera bilang vice president for external affairs (VPEA) at Nauj Agbayani bilang pangulo ng Laguna Campus Student Government (LCSG) sa ikalawang espesyal na sesyon ng Legislative Assembly (LA), Enero 11. Itinalaga naman sina Darlene Cayco, Kiko Osis, Miggy Agcolicol, at Alfonso Arteta bilang mga college president ng Arts College Government (ACG), Engineering […]
Pagwawakas ng kabanata: Mga panapos na programa ng administrasyong Hari-Ong, inilatag sa huling SSG
NAGBALIK-TANAW si 14th University Student Government (USG) President Raphael Hari-Ong sa mga nailunsad na inisyatiba ng USG sa unang termino ng akademikong taon 2024–2025 sa kaniyang huling State of Student Governance, Disyembre 20. Pinasadahan ni Hari-Ong ang mga naipatupad na proyekto ng Office of the President (OPRES), Office of the Vice President for Internal Affairs […]
Pagsalamin ng pusong Lasalyano sa diwa ng Pasko: Animo Christmas 2024, kinulayan ang DLSU
MASIGABONG IPINAGDIWANG ng pamayanang Lasalyano ang Animo Christmas 2024 sa temang “Diwa ng Pasko, Nasa Puso ng Bawat Lasalyano” na inorganisa ng Office of the President at Office of the Executive Treasurer (OTREAS) sa De La Salle University (DLSU), Nobyembre 18 hanggang Disyembre 9. Binuksan ang selebrasyon sa Christmas Message Writing at Giftbox Donation Drive […]
Mga miyembrong gumawa ng marka sa pamayanan, binigyang-pugay sa Gawad Lasalyano 2024
INANI ng mga estudyante at kawani ng De La Salle University (DLSU) ang bunga ng kanilang masigasig na paglilingkod at pagbibigay-dangal sa pamayanang Lasalyano sa Gawad Lasalyano 2024 na may temang “Alon sa Pagkakaisa: Isang Pagpupugay sa Nagkakaisang Lakas ng Pamayanang Lasalyano” sa Teresa Yuchengco Auditorium, Nobyembre 29. Itinampok sa gabi ng pagkilala ang mga […]












