Minsan ka na bang humarap sa emergency ng kalamnan? ‘Yung tipong nananahimik ka sa klase habang naghihintay sa pagtunog ng bell pero tila may biglaang pagtawag ang kalikasan? Alinman ang sagot mo, chillax ka lang diyan at abangan ang mga exciting pero medyo nakadidiring karanasan ko bilang Lasalyano.
Nagbabadyang sama ng panahon
Isang araw sa mala-refrigerator na lamig ng silid-aralan, nararamdaman kong naninigas ang isang beast performing inside me—bumabakat pa ata siya! Matapang pa akong nagtaas ng kamay para sagutin ang tanong sa klase. Sa kasamaang palad, nang tawagin ang pangalan ko, biglang napa-“Miss, may I go out?” na lang ako.
Sa pagtayo ko, ramdam kong may nagbabadyang paglabas ng isang malaki at matigas na tubol. Nagmamadali akong lumabas pero malayo pa lang, niyayakap na ako ng pamilyar na amoy na alam mong may matinding ipinaglalaban. Biglang nasira ang senses ko dahil mukhang may mga nauna nang magpasabog sa banyo.
Nagulantang ako nang umenter-the-dragon ako sa kubeta dahil parang isang batalyon ang dumaan sa giyera. Hindi ako perpektong tao pero literal na all over the place ang kababuyang na-witness ko. Nakaloloka pa dahil sa bawat pintong binuksan ko, iba’t-ibang level ng kadugyutan ang sumoplak sa akin. Minsan, dalawang pares pa ng paa ang nakita ko (pikit mata na lang talaga) ‘Yung totoo, ito ba talaga ‘yung sinasabi nilang green school?
Limang plagues sa loob ng banyo
May limang kababalaghan kang maaaring maenkuwentro sa bawat cubicle. Kadalasan, tig-iisa lang ang makikita sa mga ililista ko. Kaso once in a blue moon, mamalasin ka’t masasalubong mo ang ilan dito nang sabay-sabay. Pagsapit nito, mainam nang i-end call ang tawag ng kalikasan at magbilang na lang ng oras hanggang makauwi sa bahay. Sabi nga nila, there’s no place like home kahit na sa pag-jebs at pag-ihi pa ‘yan.
1. Air ball
Alam ko kaagad na lilipat ako sa kabilang cubicle nang makita ko ang mga gamit na tissue na nakabuyangyang sa sahig. Sana naman, galingan natin ang pagshu-shoot sa basurahan ng mga tissue anez? Teh, katabi lang ng inidoro ‘yung basurahan. Hindi ko na kailangang makita’t maamoy anoman ang pinaggamitan mo! Maglaro ka man ng basketball sa kubeta, siguraduhin mong i-dunk ang tissue kaysa puro air ball. Hindi ubra ang reduce-reuse-recycle pagdating dito!
2. Sprinkle, Sprinkle
Nasapo ko ang ulo ko nang makita ang tilamsik ng ihi sa rim ng inidoro at sa magkabilang pader ng cubicle. May kalat-kalat pa talaga pati sa sahig. Anong klase bang junjun o kiffy ang inilabas ng huling pumasok dito? Ang dugyot umihi! Sumuko na ang senses ko sa panghi ng amoy kaya naman isinara ko na agad ang pintuan. Hindi ko kakayaning tumae rito! Iniisip ko pa lang, nandidiri at kinikilabutan na ako. Yuck!
3. Madugong katotohanan
Takot ako sa dugo at mas nangingibabaw ang asiwa ko ‘pag nakakikita ako nito sa CR. Puwede kang makakita ng dugo sa dalawang lugar sa loob ng cubicle: sa sahig o sa rim ng bowl. Minsan, may bonus pa ngang balat ng napkin (with wings pa ata). Juicekwoah naman! Talagang uurong ang ebak ko! Nakakikilabot ang madugong katotohanan tuwing red days, pero mas nakagugulantang ang pagbulaga nito sa’yo pagpasok mo sa public restroom. Hindi na ba uso ang tissue o baby wipes sa mga kabataan ngayon?
4. Happy Bidet to You
Isang mahalagang rule bago mag-CR sa DLSU: I-CHECK ANG BIDET! May mga napapasarap kasing gumamit ng bidet kaya minsan, may surprise na babati sa’yo. Oo, maaaring safe ka na sa mga naunang delubyong nabanggit ko. Pero ‘wag papakasiguro dahil baka may ebak residue na naghihintay sa’yo sa dulo ng bidet! Kaninong jebs man ang nanggugulat sa mukha ng bidet, sana bangungutin siya ng markang iniwan niya. For sure, na-utilize niya ang mini watergun. May mas titibay pa ba sa mismong ernang nasa dulo nito?
5. Unidentified Floating Object
At sa huling pintuan, iyong-iyo na ang korona sa hindi matiwasay na pagflush ng inidoro. Sa isang tingin lang, ramdam ko ang naging struggle ng huling gumamit ng cubicle na ‘to. Sa bawat pihit ng flush, umaapaw ang takot na may ibang taong pumasok. ‘Yung pinaghalong kaba at pagsisisi dahil ayaw lumubog ng ernang pinaghirapan niyang ilabas. Gets ko namang minsan epic fail talaga ang flush ng inidoro pero huwag naman sanang iwang palutang-lutang ang ebak dito. Hindi porket nailabas na, tapos na ang paghihirap mo. May duty ka pa ring buhusan at palubugin hanggang maglaho ang by-product ng mga nilamon mo kanina.
End of the balahura era
*pabagsak na sinara ang pintuan* Ano ba naman ‘yan?! Walang mataihan dito! Sobrang kadiri lahat, umurong na ang tae ko! Is this how it is? Ganito na ba kabalahurang gumamit ng banyo ang madlang pipol ngayon? Gusto ko sanang sabihing, “Ilugar niyo naman ang kadugyutan niyo!” Kaso baka sagutin ako ng mga balahura ng, “Ang OA mo naman.”
There’s always room for improvement kaya hindi pa huli ang lahat para magbago. Sa mga balahura diyan, asintahin nang maigi kapag nagtapon ng basura. Ayusin ang pag-ihi o pagpalit ng napkin para ma-maintain ang cleanliness ng bowl. Isa pa, siguraduhing wala nang dumi bago lumabas ng banyo—sa inidoro man o sa bidet.
Ilan lamang ito sa simpleng paraan para masigurong disente kang makalalabas ng banyo. Hindi na rin tayo mga bata para i-potty training pa, kaya we should cancel this balahura era. You’ll never know, baka ikaw ang sunod na maperwisyo ng limang salot na ito.