Alam nating labis na nakagaganda ng imahen ang pagiging mulat sa mga isyung panlipunan o kahit sa mga chismis. Subalit, malimit itong inaabuso ng karamihan gamit ang kagalingan sa pambu-bullshit. ‘Yun bang kunwaring may kaalaman sa mga maiinit at talamak na diskurso sa panahon ngayon. Minsan nakaiinis, minsan nakatatawa.
Para sa mga nagpapanggap, walang ibang katanungan ang mas nakasisindak pa kaysa sa mga tanong na “Bakit?” at “Paano?” Diyan madalas nagkakandaleche-leche ang kanilang mga diwa; hindi magkandaugaga sa paraan ng pagsagot sa mga bagay na kanilang binobola lamang.
Madalas itong nakikita mula sa mga attention-whore na nangangailangan ng minu-minutong validation mula sa kanilang mga haka-hakang follower o kaibigang plastik. Sila ‘yung tipong may mga nalalaman naman—book-smart (maybe?) at may akses sa internet pati na rin sa maayos na edukasyon. Bagamat may malilinis na mithiin pero anteh. . . malimit na hindi nagtutugma ang kanilang mga ginagawa sa kanilang mga salitang binibitawan.
Dedikado raw sa isang adbokasiya ngunit hanggang sa walang ka-effort-effort na heart o sad react lamang sa Facebook ang nagagawang kontribusyon. Kapag nagpapaliwanag naman ng kanilang mga ipinaglalaban, may template silang sagot na: “Kasi ano, uh, ‘yung ano kasi sa may ano haha. Basta sabi ni ano. . .” Mapapawalastik ka na lang sa mga mararating ng pakikipagtalastasan niyo.
Maaari din sila ‘yung may taglay na mindset na mas mataas kuno sila sa iba bilang isang “edukadong” indibidwal. Feeling nila na sila ang “hot shit” na may mga natatanging impluwensiyang dapat pairalin sa kanilang mga kadiskurso batay sa kanilang mga pinagmulan o pinag-aralan. O ‘di kaya may mga tao silang gustong ma-impress. Nandiyan pumapasok ang kanilang pagpapabango habang iniisip nilang, “It’s Showtime, mga accla!”
Marami nang ume-echos sa mundo ngayon, mga mumsh. Huwag na huwag kayong magpapabola sa mga taong ganiyan! Kaya inihahandog namin ang limang paraan upang matiktik ang pambu-bullshit ng kadiskurso mo.
Limang paraan ng panggogoyo
- The Gaya-gaya
#KulayRosasAngBukas #IpanaloNa10To. Feeling right sa kaniyang desisyon at proud na proud na makisama sa kaniyang tropang parehas din ang paninindigan. May pag-post din o DP blast with caption pa sa Facebook tapos kikiligin nang todo kapag nag-like ‘yung crushie niya. Pero anteh nasan ang utak mo? Ba’t hindi ka makasagot o natatameme ka tuwing tatanungin tungkol sa rason ng pagpili mo sa iyong binoto? Dami mo satsat, may pa-long post ka pa pero wer u na? Para sa mga ganitetch, sapat na ang pagkakaroon ng parehas na pinaniniwalaan para bumango ang imahen at hindi ma-cancelldt ng mga tao sa paligid at siyempre ni crushie.
- Hypocrite vs. Hypocrite
Mahahalimuyak na salitang tinatapatan si Joe Malone lalo na kapag itz kampanya season. Buti na lang talaga naimbento ang screenshot na nagsisilbing resibo para mahalungkat ang putok niyo. Ew. From siraan ng mga friendship to siraan ng mga party list, screenshot ang resibo! Kaibigan at kasangga pero sa isang post ng mga ebidensiya nailalabas ang kabahuan sa likod ng mga pinabangong mga salita. It is giving small batuta energy.
- Mga ampao kahit hindi Pasko
Hindi rin mawawala ang mga alamano momentz ng mga lutang na palitaw diyan. Ano raw?! na lang talaga habang pilit na hinihimay ang mga punto nilang wala namang laman. Tiyak na maliligaw sino mang pilit na sundan ang pointless thoughts nilang naka-mask lamang sa katikasan ng mababangong salita. Kaya plith lang ‘wag na sanang magpabudol sa charismatic pero shallow words ng mga ampao sa tabi-tabi.
- Mala-merry-go-round ang peg
May mga parang sirang plaka rin habang kinakausap. Myghadness, ang sarap talaga nilang tuktukan para mapigil sa kakakuda nang walang tigil mga sizmars! ‘Yung tipong dahil wala na talagang ibang ma-ebas, uulit-ulitin na lang sa buong chika ninyo ang sinabi na niya 30 minutes ago. Like duhhh, gets na namin. Hindi na kailangang ipagdukdukan sa harap namin ang nag-iisang piece of argument na knows mo. Once is enough kasi bistado na ang mga kaechosan mo.
- The Attacker
Meron talaga ‘yung tipong siya na nga ‘yung tinatama tapos bigla-biglang nagagalit o nagdadabog. Like, tih? Okay ka lang ba? Ginagamit niya pa ang mga fancy word niya para mang-atake ng iba kahit hindi naman relate sa issue? May pagmamayabang pa ng kaniyang university and course finished! Naku po! Natatamaan agad sa mga tamang points ng iba. Mapapakanta ka na lang talaga ng “You Need to Calm Down” ni mareng Taylor.
Hep-hep makinig sa huling paalala at babala!
Keri lang naman ang mithiing magmukhang matalino pero ‘wag sana gawing hobby ang pagpapanggap at pangwiwindang. Kaya sa mga pagod na sa mga nagbabalat-kayong kadiskurso, sundin lang ang mga sumusunod para bawas strezz at para no-to-wrinkles:
- Umiwas na sa mga taong gaya-gaya ng moral compass pero natatameme ‘pag tinanong ng bakit at paano kasi for sureness hindi ‘yan ang totoong paniniwala nila.
- Mag-ingat sa mga ipokrita na akala mo tape dahil double-sided ang personality kasi mahirap nang madikit at baka ikaw pa ang maipit.
- Nakaka-tempt pero layuan na muna ang mga ampao dahil ine-eme ka lang nila gamit ang mababangong words.
- Huwag na ring sumakay sa mga mala-merry-go-round mong friend kasi paiikutin ka lang nila.
- Last at finally, lumayo-layo na rin sa mga attacker dahil baka sa baranggayan pa mauwi ang usapan.
Ngayong alam mo na ang limang paraan ng pagtitiktik ng katarantaduhan, ‘wag ka na sanang magpapaloko. Dahil parang isang malaking Baclaran ang mundo, maraming bogus at nagpapanggap lang. Mag-ingat ka!! Pero disclaimer lang ha, hindi nakikita ang depth ng kausap mo sa kaniyang face value. Kaya numbawan rule pa rin natin ang huwag maging assumera. Last na itez, just remember na puwedeng i-bullshit ng mga tao ang mga opinyon o argumento pero hindi habang-buhay naitatago ang tunay na pagkatao dahil ika nga nila, “The truth will set you free.” Kaya ikaw, magpakatotoo ka na. Hmmmp!
PAALALA: Hindi pinatatamaan sa artikulong ito ang ating mga kabababayang walang mabuting akses sa edukasyon, at mga nabitag ng disimpormasyon at misimpormasyon—mga taong biktima mismo ng sistemang kasalukuyang nananalaytay sa Pilipinas.