“Hala, buhay pa ba sila?,” hirit ng mga nakatatandang estudyante nang maaninag ang kalagayan ng mga frosh. “Buhay pa ‘yan, ‘di lang nag-hold ng elevator,” sambit naman ng isang senyor na nanlilisik ang mata na tila dinadaluyan ng kuryente. “Grabe, akala mo nag-ult si Pikachu! Sino pa bang hindi magmumukhang patay niyan?,” walang kuwentang pahabol na share niya. Mahigpit na ipinagtitibay sa Pamantasan ang pagkakaroon ng basic etiquette subalit malimit itong isawalang-bahala ng karamihan ng mga frosh. Sa paglaganap ng nakalolokang kaugaliang ‘to, oras na para mag-alay ng espasyo para sa libingan ng mga frosh sa Pamantasang De La Salle (DLSU). Sanhi ng kamatayan: CRIMINAL OFFENSIVE SIDE-EYE ng mga senyor.
Subalit, wapakels pa rin sila kahit titigan mo ang kanilang budhi. Siguro, kahit i-lock pa sila sa CR ni Marian Rivera, hinding-hindi sila papatinag! Kaya kailangan pang humantong sa isang matinding shawrawt sa DLSU Freedom Wall upang magawang wanted ang mga frosh. Mula sa hindi paggawa ng Clean As You Go ‘Wag Dugyot Ang Asim Mo (CLAYGOWDACM) hanggang sa pagpuprusisyon sa hallway—tuluyang pinapuputok ng mga frosh ang butsi ng mga senyor.
Walang manners na mga frosh, bibitayin na!
“Gusto kong maging kriminal (╯ ͡ಥ ͜ʖ ͡ಥ)╯┻━┻,” ito ang tumatakbo sa isip ng mga senyor tuwing nagsisimula ang bagong akademikong taon. Sa pagbubukas muli ng pintuan ng Luhzuhl, tatapak na ang panibagong nagwa-123 sa damuhan ng Henry Sy. Kaya TAKBOOOOOOOOOOOO!!! Nandiyan na ang mga batang bumagsak sa Good Manners and Right Conduct noong grade school.
Nasisira ang pagka-relaks ng mga senyor kapag napapansing nag-iiba ang takbo ng normal na araw ng pagka-cloutchase, este pag-aaral, dahil sa icks ng mga frosh. Kinapanayam ng Buhay at Kakuwelahan (BNK) si Mami Oni na quotang-quota na sa entry sa DLSU Freedom Wall. Isa siyang senyor na nagbahagi ng mga pangkaraniwang senaryong kaniyang nararanasan araw-araw gaya na lamang ng biglang pagsasara ng elevator bago pa man siya makapasok dito. “Buti na lang malakas ang guardian angel ko kahit na ilang beses na akong nasa-sandwich ng elevator,” pagbabahagi habang sinusugod siya sa ospital dahil sa pagkayupi sa elevator.
Nati-trigger din si Mami Oni kapag may naiiwang basura sa mga tambayan ng estudyante lalo na kapag napipilitan siyang ligpitin ito sapagkat magagamit niya pa ang natitira niyang brain cell para sa pagtatapon. “Siguro iniiwasan din ng mga ‘to ‘yung mala-quiz na basurahan, tsk tsk. Hindi puwedeng kaming mga senyor lang ang napapasabak kapag nagtatapon, damay damay na ‘to,” bulalas niya para sa mga frosh na mala-prinsesa at prinsipe ang nais na trato. Inihayag din niyang iba na talaga ang kabataan ngayon, hindi na nila kinikilala ang binabangga nila. Lalo na ‘yung mga nagmimistulang g@ngst@h kapag sumisingit sa pila, humaharang sa mga koridor, at basta-basta na lang kukuha ng mga upuan. Aba, mga anak ba kayo ni Alex G?!
Para din kay Mami Oni, hindi na kinakailangan ng mga frosh na mag-educate me chinita girl with short hair and glasses dahil maliit na bagay daw ang pagkakaroon ng pakialam sa paligid. “Bare minimum enjoyer nga kami pagdating sa aming mga jowa, sa inyo pa kayang kinulang lang sa basic etiquette ehe,” saad ni Mami Oni. (Mukhang colorblind siya sa mga red flag mga anteh, ‘wag natin siyang tularan).
Halos takbuhin na nga ng mga senyor ang chapel kapag nakakikita ng mga endangered well-mannered frosh dahil myghad may himala pa pala! (Halp plith, pagod na raw sila mga anteh :<<). Wala na lang silang magawa maliban sa paggamit ng I can fix them attitude at mang-side-eye na lang hanggang sa matuto ang mga baby gurl at baby boi ng DLSU.
Mga frosh nga ba ang salarin?
Tila ba panay nasa mga frosh ang sisi sa tuwing may nakalilimot ng CLAYGOWDACM o may mga napipisa sa elevator. HaLp?! Subalit, sila nga ba ang tunay na salarin? Halina’t makichismis sa nasagap na sagutan ng BNK sa pagitan ng isang senyor at frosh!
Mami Oni: Hay nako! Ang ingay naman ng mga frosh na ‘to.
Andeng: Hindi naman library ang Cads para manahimik dito! Bakit ba ang init lagi ng ulo niyo sa aming mga frosh?
Mami Oni: Kahit na! Sobrang ingay niyo pa rin, napapatingin na nga ang lahat dahil sa tili at lakas ng tawa ninyo. Saya much?! Share niyo naman sa amin ‘yan oh!
Andeng: KJ niyo naman?! Ganyan na ata talaga kapag natanda na, wala nang fun sa life.
Mami Oni: Aba, nag-aaral kasi kami! Kayo kasi puro gamit lang ng phone stand para mag-TikTok!
Andeng: Kaya nga may phone stand, forda clout! Parang hindi niyo ginagamit ‘yun, ah?!
Mami Oni: ‘Yun na nga! Puro kayo clout, ‘di naman marurunong mag-hold ng elevator kapag maraming sasakay! Matagal din kayong maglakad sa hallway! My goodness, sumasakit ulo ko sa inyo.
Sa alitan nina Mami Oni at Andeng, kabi-kabilang pagsingap ang naipong reaksiyon mula sa mga nakarinig.
Minsan, dahil nasanay na ang mga senyor sa pananatili sa Pamantasan, akala mo talaga tahanan na nila ito. Kaya lagi na lamang nila iniiwan ang kanilang mga gamit at kalat kahit saan man sila magtungo sa loob ng DLSU. Feel at home masyado, mga beh? Tuwing napuna sa mga frosh parang sila lang ang walang manners. Nagmamalinis yarn?
Wala namang masama sa minsanan at hindi sadyang paglimot sa mga basic etiquette, ‘di ba? Wala naman kasing perpekto at okay lang ‘yun! Subalit, dapat pa rin itong maging palatandaan na maging maingat at maalalahanin sa kapaligiran, at sa mga taong nasa inyong paligid. Huwag tayong masyadong feel at home! Huwag din tayong puro sisi sa mga frosh. Sige kayo, iiyak ‘yang mga yern. Charot! Pero alam na this, ha? Huwag tayong maging mala-Alex G na tila ba wala tayong manners! Kung isa ka sa mga panay side-eye at cancel ng mga frosh dahil lang frosh sila, mag-apology letter ka na ASAP! Pakisabay ang petsa, oras, at pirma para hindi mapahiran ng cake. EMI~