Ibang mundo, ibang tugtugan—muling mabighani sa mga awitin ng UP Fair Dimensions, isang music festival, na handog ng University of the Philippines Economics Society (UP Ecosoc), Pebrero 16. Mangyayari ang tugtugan sa Sunken Garden ng University of the Philippines Diliman.
Mapupuno ng kakaibang hiwaga mula sa sari-saring mang-aawit ang music festival na alok ng UP Ecosoc. Dinggin ang tinig nina Adie, Unique Salonga, Kean Cipriano, Mayonnaise, The Itchyworms, Ebe Dancel, Lola Amour, Orange & Lemons, Al James, Autotelic, Zild, Cup of Joe, Over October, The Ransom Collective, Any Name’s Okay, Kenaniah, Ysanygo, Carousel Casualties, at That Band Astra na aakit sa puso’t isipan ng madla dulot ng himig na kanilang iparirinig. Mahigit 15,000 katao ang bubuksan ng pinto upang makatapak sa lugar na aapaw sa tugtugan ng 19 na banda. Sama-samang magbunyi sa pakikinig ng Orihinal na Musikang Pilipino (OPM) sa panibagong dimensyong naglalaman ng marahuyong musika at adbokasiyang pangmasa. #BetterTranspoPH #CommutersNaman #NoToJeepneyPhaseout
Sintunadong sistema ng transportasyon
Sa pagbabalik ng tanghalang katangi-tangi, gagamitin ang lakas ng musika upang mas marinig ang panawagan para makamit ang layong mapabuti ang sistema ng transportasyon sa Pilipinas. Ipamamalas ng Dimensions ang angking galing ng mga musikerong Pilipino habang binibigyang-diin ang mga problema ng pagko-commute sa bansa. Maninindigan din ang UP Ecosoc hindi lamang para sa mga pasahero, ngunit pati na rin sa mga tsuper gamit ang pagprotesta laban sa Jeepney Phaseout. Maliban sa mga pasahero at tsuper, kasama sa kanilang hangarin ang pagsugpo sa sistemang maraya laban sa mga mahihirap.
Mahihinuhang saklaw ng mga adbokasiya ang pangkalahatang kaayusan sa mundong ginagalawan ng mga Pilipino. Inaakit ng bighani ng Dimensions ang pagdalo ng lahat sa araw na mag-uugnay sa bawat Pilipino gamit ang musika at sari-sariling adhikain. Saksihan at makiisa sa paglaban para sa mga pasahero, tsuper, at mamamayang Pilipino. Gamit ang kapit sa mikropono, pupukawin ang atensiyon ng madla upang pahalagahan ang OPM at labanan ang sirang sistema ng transportasyon sa Pilipinas.
Maaaring bisitahin ang mga sumusunod na social media page upang patuloy na ma-update para sa mga bagong anunsyo at release:
Facebook: facebook.com/upfair.dimensions
Twitter: twitter.com/@tara_dimensions
Instagram: instagram.com/tara_dimensions/
Tiktok: tiktok.com/@upfair.dimensions
UP Fair Dimensions is co-presented by Bank of the Philippine Islands, BYS Cosmetics Philippines, at Samsung Philippines.
In partnership with Avocadoria.ph, Connect Power Banks, Ayala Malls U.P. Town Center, Unilab, Jack ‘n Jill Cloud 9, Great Taste, at Swiss Miss.
Nais pasalamatan ng UP Fair Dimensions ang kanilang mga opisyal na media partner: Philippine Concerts, MYX, IWantTFC, Monster RX 93.1, Wonder Mag PH, Kroma Entertainment, Manila Musika, Now You Know PH, Blog-PH, We The Pvblic, The Indiependent Collective, Ang Pahayagang Plaridel, at Big Media Digital Corporation.
Nais ding pasalamatan ng organisasyon ang kanilang mga opisyal na organizational partner: TOMCAT, PLM Junior Marketing Association, Mapúa University Senior High School Student Council , UST Association of Civil Engineering Students, UST Hiraya, Teatro Tomasino, FEU The Entrepreneurship Club, PLM Business School Student Council, Lasallian Youth Corps – Manila, Mapúa •MOVE, DLSU Manila SHS Student Council, The Ateneo Assembly, ADPROS, Association of Biological Engineers of Mapua, PUP CBA Student Council, UPB The Management Economics Society, The Freshie Initiative, UP School of Economics Student Council, UP Manila Development Studies Society, UP Lakan Diliman, UP Ecotour, UP College of Social Sciences and Philosophy Freshie, Shiftee, Transferee Council, at UP Radio Circle.