Hindi nagpapahuli ang Pamantasang De La Salle (DLSU) lalo na pagdating sa patalbugan ng pananamit. Kakaiba kasi kung manamit ang mga Luhzohlyano, kaya mukhang yayamanin pa rin kahit napakasangsang ng amoy ng mga kanal sa Taft Avenue. Kabilang kasi sa entrance exam ng DLSU ang galing rumampa mula Quirino station hanggang Vito Cruz. Mula sa mga frosh na hindi pa nararanasang makatapak sa kampus hanggang sa mga senior na nasa huling termino na, kani-kaniya ang paghahanda para maging pinaka-astig in these days that the Rold have made.
Pero sa likod ng kisig at ganda ng Luhzohllians, marami na pala ang hirap makipagsabayan. Hindi lamang porma ang apektado, kundi pati na rin ang estado ng buhay nila. Halimbawa na lang si Baby Mokoh, ID 118, na nawalan ng kaibigan dahil sa nangangalawang niyang chains galing Greenhills—nahihiya tuloy jumoin sa gimikan sa Pobla. Pahirapang diskarte naman ang puhunan ni Latifah na suki sa pagsali ng mga raffle sa mga Facebook group. “Nanalo nga ako ng free kicks, pero bogus seller naman pala! Paanong hindi mapapansin, eh sabog ‘yung spelling ng ‘Bolenciogo’!” pagalit niyang kuwento.
OOTD Couture ng Luhzohllians
Maaaring nagmula ang pagkabahalang ito mula sa kulturang nakagisnan sa pagpasok sa mga gate. Paano ba naman, mayroong rating ng porma na lalabas kada tap sa ID scanner—4.0 para sa mga can afford, at 1.0 para sa mga halatang ‘di naligo.
Iyan ang eksena tuwing papasok sa loob ng Luhzohl bago magsimula ang pandemya. Makikita ang samu’t saring estudyanteng nagmamadaling pumasok na nakakategorya ayon sa kanilang kolehiyo—mga mag-aaral mula sa Liberal Arts na halos iyakan ‘yung mga research paper hanggang sa mga Business students na naguguluhan na sa kanilang ititinda. Matagal nang saksi sa “Outfit of the Day” (OOTD) si Manong Juanabe, isang guard sa DLSU. Sa eksklusibong panayam ng Buwanang Kalat at Katarantaduhan (BUKAKA), ibinahagi niyang isa siyang dalubhasa pagdating sa kasuotan ng mga estudyante at nag-iiba-iba raw ito batay sa kinabibilangan na kolehiyo. Aniya, tila may rampahan kung sino ang mas kabog tuwing magsisimula ang umaga sa Andrew building. “Mga naka-dress na may tatak na Channel, House of Versace on the Floor, o kaya GucciGucci ang makikita mo rito,” share niya lang. Kahit hindi naman lahat branded ang damitan, ‘yung iba nadadala sa pagpapacute kahit na unbranded ang kanilang suot.
Simple at Pambahay—iyan ang deskripsyon na ibinigay ni Manong Juanabe habang ibinabahagi ang pananamit na karaniwang suot-suot ng mga estudyante na napasok sa Velasco Gate. “Mabilisang tap ng ID tapos tatakbo agad, naka t-shirt na stripes galing sa Uniqlo o H&M na maraming kaparehas at short-shorts para sa mga lalaki pero naka Yeezy para lowkey flex ng yaman. Maong pants at t-shirt na branded naman ang karaniwang suot ng kababaihan. Halatang mukhang bagong ligo sila at kinulang na ng oras para magsuklay dahil male-late na,” pagbabahagi niya tungkol sa mga estudyante mula sa Engineering at Computer Studies.
May mga estudyante rin na hindi nalilimitahan ng espisipikong pananamit na nakatali sa kanilang kolehiyo, tulad ng mga estudyante mula sa Kolehiyo ng Edukasyon at Kolehiyo ng Agham. Ipinaliwanag ni Manong Juanabe na diverse ang kasuotan nila; tipong isang araw, para silang rarampa sa susunod na collection ng GucciGucci, tapos mukha silang bibili ng suka sa malapit na tindahan sa makalawa.
KNL Couture Summer Collection
Matapos ianunsyo ang muling limitadong pagbubukas ng unibersidad para sa mga estudyante, hindi magkamayaw ang Luhzohllians sa pagpaplano ng kanilang first ever campus OOTD. Para kay ElenUGH, ID 12* na hindi pa nakatatapak sa loob ng DLSU, ‘di na siya makapaghintay na i-wERK ang kaniyang pagrampa dahil, “Maraming chupapi sa Luhzohl no! Dapat fresh tayo para hmp! Pak! Bless!”
“Uniqlo is OUT! Inarbor sa tropa tas ‘di na binalik is IN!”
Talaga nga namang damang dama sa alinsangan ng panahon ang summer! Sabay ng pag-alinsangan ng panahon ang paglipas ng mga pormahang pamburgis ng mga Luzohlyanong puro “Uniqlo-Shein-Nike!” ang ternuhan sa muling pagbubukas ng DLSU. Dedma sa init kahit mabaskil at haggardo versoza ang karamihan basta maawrahan ang bawat sulok ng unibersidad. Tiis-ganda ang peg kaya pasok sa banga ang KNL Couture – ang affordable, sustainable, at summer-friendly look na bagay sa mga pulbo-lang-sapat-na besties.
Steal that look! Black tube top, very short short maong shorts (optional/not on pic: cardigan para very Lasallian)
Para sa mga babaeng may pasok sa umaga at “Yes I do da cooking” sa tanghaling tapat, patok ang ganitong pormahan. Presko ang ganitong get up at hinding-hindi rin mahaharang ng mga guwardiya kung may suot kang cardigan! Ano ba naman ang pansamantalang basang kilikili pagpasok sa gate kung kapalit naman ang wantusawang TiktokToe shoot mo sa loob ng unibersidad? Komento ni Teptep, ID12* mula sa Kolehiyo ng Malalayang Sining, presko sa pakiramdam ang kaniyang suot sa bawat pagrampa niya papuntang Agno. Aniya, “10/10 will wear it again!”
Pormahang Pak! boy. MSTR shirt, itlog shorts, iconic socks, tiangge shoes.
Para naman sa mga nag-aastigang dude, pare, chong, hindi mawawala ang makukulay na MSTR shirt, itlog shorts na kasing-ikli ng pasensya ng nagsusuot, at makulay na iconic socks na hindi pa magkapares minsan. Sa pagbabalik ng face-to-face, siguradong ganito na ang pormahan ng mga pa-cool kids tuwing Happy T. “Sulit paghintay ng 11.11 sale sa Shopee!” aniya. Gayunpaman, binigyan niya ng 8/10 ang kaniyang sariling pormahan dahil “Eguls brodie. Kahit igop pormahan kailangan rin pala igop mukha natin.”
Oplan Kanalan Campaign
Buo ang suporta at tiwala ng administrasyon sa KNL Couture sa pagpapabuti ng danas sa loob ng DLSU. Kaya naman pinalakas ang pwersa ng De La Salle Badettes Association sa pagpapatakbo ng malawakang Oplan Kanalan Campaign. Sa tulong ng Office of Cacicayan, Careerin! Services (OCCS), ihahanda ang mga estudyante sa pagbabago sa pamamagitan ng ‘Kareerin ang Kakanalan’ seminars at one-on-one sessions. Naghahanda na rin ng mga karampatang parusa ang Student Dressificationism and Fashionizationism Office (SDFO) sa sinomang lumabag dito. Sa kanilang panayam sa BUKAKA, ibinahagi nilang huhulihin ang mga hindi naka-short shorts. “DLSU is a research-based institution, kaya dapat no holds barred ang mga kasingit-singitan!” ani SDFO.
Bukod pa rito, kasalukuyang nakikipag-ugnayan ang University Soshalizationism Government (USG) sa mga brand, tulad ng SO-EN at Baleno para gawing opisyal na underwear brand ng DLSU. “Hiling namin ay makatulong ang collab na ito sa pagpapaganda ng reputasyon at kalaunan, salawal ng mga Lasalyano,” ani USG. Pahabol pa nito, “panahon na rin upang tumingin tayo sa panloob na anyo.”