“Susubo pero hindi susuka,” este, “Susuka pero hindi susuko.” ‘Yan ang naging motto ko nang tumapak sa De Luhzohl. Paano ba naman, apaka business-minded netong si DLSU dahil, “We got it all for you~~” (Kinanta mo noh?).
Bukod sa matatalino, magaganda, at mga gwapong nilalang, inangkin na rin ng Luhzohl ang mga amoy—amoy tae, kanal, putok, sigarilyo, at iba pang nakasusulasok. Mapapasuka ka na lang once nasapul na ang Donita Nose mo ng mga ‘yon. Bilang Luhzohlyano, tanggapin mo na lang na masasanay ang longi mo sa mga ganoon. Kahit tumakbo-takbo ka na dahil malapit ka nang ma-late, langhap sarap mo pa rin ang amoy ng imburnal.
Malas pa kapag sinubok ka ng panahong mapanglaw. Kapag umiyak ang mga ulap, iiyak din ang ilong mo. May humidity na nga, umaalingasaw pa ‘yung kanal sa tawiran. Amoy Jo Malones kang pumasok, ‘tas para kang nalaglag sa Poso Negro pag-uwi. Mapapasabi ka na lang na sana nasa Weekly Idol ka para x2 ang speed ng stoplight.
I believe, kaya tumatapang ang mga Luhzohlyano dahil sanay na sila sa araw-araw na hamonadong itez. And I therefore conclude na hindi ka TUNAY na Luhzohlyano kapag hindi ka pa nakahithit ng coc—, este two joi—, ay I mean halimuyak ng maalamat na imburnal. Pero akalain mo ‘yun, nakami-miss din pala ‘yung mga amoy na ‘yun. Kailan ko kaya maaamoy muli ang OG na amoy ng Taft?
Basahin na lang natin ‘tong gawa-gawa kong kuwento as someone na uhaw sa F2F classes.
Pagbabalik-tanaw sa kahapon at sa mabantot pumaroon
*Dalawang Luhzohlians sa LRT*
Ma. Asim: Grabe mars, akalain mo? After two years na nakakulong sa bahay, kebs na mag-LRT at magklase nang face-to-face?
Ms. Ikip: Sa true lang vevs. Nakalimutan ko na nga ‘yung vibe ng La Salle.
Ma. Asim: ‘Yung aling vibe? ‘Yung mabantot na vibe? Char pero totoo naman na mapanghi.
Ms. Ikip: Hindi lang ‘yun. ‘Yung mala party-party vibes with chugchugan sa gedli and samahan pa ng levitanium ni Dau Lipat—ay wait copyright nga pala.
Ma. Asim: Pero mabantot pa rin.
*Bababa na ng hagdan at maaamoy na ang kanal.*
Ma. Asim: Grabe after two years, ang bantot pa rin ng salubong!
Ms. Ikip: ‘Yung amoy parang mapapakanta ka na lang ng “Grabe, Grabe.” Pero diba sa Vito Cruz station combo ng ihi ng tao at tae ng aso. So kadiri vebs, lalo na sa umaga.
Ma. Asim: Keri naman, takip ilong at dashi run run na lang. ‘Yung Agno nga parang ‘di mo alam kung mabubusog ka o magugutom. Haluhalo yata priniprito roon.
Ms. Ikip: Pero may ‘di talaga ako kinakaya eh, ‘yung mga sofa sa library. Pinaghalong putok at kung ano-ano, parang ‘di mo alam kung may putok lang talaga ‘yung mga gumagamit o mabantot lang ang sofa.
Ma. Asim: Sa dami ng amoy, puwede ka nang bumuo ng theory churi tungkol sa library beh!
Ms. Ikip: Chrew! Kaso si Castro rin eh halatang sumasabay, ‘yung tipong nag-fusion ‘yung amoy ng sigarilyo’t imburnal. Napakabango beh.
Ma. Asim: Parang lahat na yata ng amoy sa labas nasa atin.
Ms. Ikip: Ganoon talaga. Premier Luhzohlian expi ‘yan. Tamang Animo signature lang!
Sa muling pag-alala at tagisan ng masangsang na hinala
LeeTuWad: I’m hungry pare, arat default?
ParkTiGang : G DoMc.
LeeTuWad: ‘Nga pala, madadaanan na naman natin ‘yung mahiwagang kanal na kasing baho ng hininga mo.
ParkTiGang: Wala pa nga ‘yan bro. Naabutan ko ‘yan nung clogged pa tapos sobrang ma-wet at mapanghi pa!
LeeTuWad: Ano ‘yan parang ‘yung mga wild na shawty kagabi sa BGC pare?
ParkTiGang: Qaqo bas2s!
*Pagkatapos kumain ng Quarter Pounder with large fries, large coke, at two extra pumps of ketchup.*
LeeTuWad: I’m full na bro balik na tayo sa campus.
ParkTiGang: Okay bro pero tagal pa naman ng next class natin right? Palamig muna tayo sa library.
LeeTuWad: G tambay tayo sa may aircon.
*Ginamit nila ang elevator papuntang Learning Commons kasi hindi gumagana ang escalator*
ParkTiGang: Sa’ng floor na tayo tatambay?
LeeTuWad: Akyat na lang muna tayo tapos hanap ng vacant spot.
ParkTiGang : Gesi lang.
LeeTuWad: T@n613n4n6 ‘yan. Amoy putok!
ParkTiGang: Gagsti hindi pa nga tayo pumapasok!
LeeTuWad: It reminds me of my ex after namin magkantunan sa sofa!
ParkTiGang: Literal na Netflix and chilimansi with a dash of sesame oil and garnished with some toasted sesame seeds on top?
LeeTuWad: Omcm. Nagutom tuloy ako for some Alabang gir- HAHAHA
ParkTiGang: Pero ang hina niyo naman pala hanggang kantunan lang kayo? Kami kasi ni ex nag-cuddle lang tapos sabay hawak sa aking mabulbol na poodle, si Melchior! Nilaro lang namin hanggang ‘yun, pinagpawisan tapos kumapit ‘yung amoy sa couch.
LeeTuWad: Ah ganoon ba? Siguro nga ‘yun din ‘yung palagay ko kung bakit amoy putok dito sa 7th floor.
ParkTiGang: Dami nagka-cuddle sabay hawak s–?
LeeTuWad: Tangeks! Pawis na naipon then natuyo. Imagine anlayo pa kasi ng nilakaran natin bago tayo makarating dito. Tapos ito na kasi ‘yung pinakamalapit at pinakatahimik na floor ng lib para makapagpahinga.
ParkTiGang: May pointless ka!
‘Di pa natatapos ang paghihinagpis at konti pang pang-iinis
TRIGGER WARNING: May pang-iinis ang part na ‘to. ‘Pag pikon, lunukin na lang ang ta–, katas ng–, este, pride.
Ilan lang ‘yan sa mga karanasan ng isang TUNAY na Luhzohlyano. As I mentioned earlier, hindi ka TUNAY na Luhzohlyano kapag hindi mo pa naamoy ang Seven Wonders sa loob ng DLSU. Sabagay, paano ka nga ba matatawag na tunay na Luhzohlyano kung NEVER ka pang nakatapak sa loob ng campus? ‘Ni mga wasak-wasak na bangketa sa Taft Avenue, hindi mo pa ‘ata natatapakan.
Hindi ko namang sinasabi na para sa mga frosh ito, pero makatatapak ka pa kaya o hellur online graduation na ba dis? Sama na natin ‘yung mga sophomore na hanggang ngayon walang ID. Luhzohl, beke nemen. Pero sana naman, sa mga susunod na buwan, malalanghap na natin ang tunay na Luhzohl experience. Puntahan mo na ‘yung mga nabanggit baka doon mo mahanap si The One (na kakanal sa’yo. . . w8 parang bas2s mashado. . .)