Inihahandog ng Alyansang Tapat sa Lasallista ang Tapatan 2021: Sulong, Kabataan!, isang proyektong naglalayong mapatibay ang papel ng kabataan sa paglikha ng isang bansang nagbibigay-tugon sa mga kritikal na isyung napapanahon. Inaasahan ng kaganapang ito na ilatag ang kamalayan sa kahalagahan ng pakikilahok ng komunidad ng mga indibidwal na kabataan at sektor sa buong bansa.
Nilalayon nitong magbigay ng iba’t ibang kagamitan para sa mga naghahangad ng social catalysts para sa pag-unlad ng ating bansa. Bilang mga mamumuno sa hinaharap, dapat tayo ay may kaalaman at handa upang itaguyod ang isang makatarungan at malayang lipunan. Dahil sa kasalukuyang sitwasyon, ang Tapatan ngayong taon ay binubuo ng tatlong magkakaibang bahagi: 1) Podcast series, 2) Workshops, at 3) Youth Expo.
Ang serye ng podcast na pinamagatang “What’s the T?” ay isang usapan upang talakayin ang mga paksang tulad ng Generation Gap, iba-ibang pananaw sa politika, at iba pang napapanahong isyu sa lipunan na kaugnay ng kalakasan ng kabataan.
Ang workshop ay ang unang yugto ng Tapatan 2021 kung saan ang mga kalahok ay magkakaroon ng isang interaktibong karanasan upang makakuha ng bagong kaalaman at mailapat kung ano ang natutunan mula sa mga podcast. Ito ay magaganap sa Hulyo 23-24, 2021, ika-1 ng hapon hanggang ika-3 ng hapon. Ang mga interesadong maging kalahok para sa workshop ay maaaring magparehistro dito: bit.ly/Tapatan2021_Workshop_Register
Ang Youth Expo naman ay magaganap sa Hulyo 26-30, 2021 at ipinakikita ang bahaging ito ng mga samahan ng mga kasosyong kabataan hindi lamang upang isapubliko kung sino sila at kung ano ang ginagawa nila, ngunit upang magbigay ng mga pagkakataong lumago. Ang materyal para sa publisidad na “get-to-know-us” ng mga kasosyo sa kabataan na nagpapakita ng mga pinakamahusay na kasanayan sa samahan ay makikita sa website ng Tapat.
Isasagawa ang Tapatan 2021 sa opisyal na Tapatan Facebook page at sa Facebook page ng Alyansang Tapat sa Lasallista. Nais namin kayong makalahok sa proyektong para sa isang Makatarungan at Malayang Lipunan! Halina’t Sulong, Kabataan!