Inobasyon sa industriya ng pananalapi, binigyang-lalim sa ika-siyam na Global Finance Convention
PINAIGTING ang pagpapaunlad sa makabagong sistema ng pananalapi sa Global Finance Convention (GFC) 2025: Catalyzing Innovation in Modern Finance na pinangunahan ng De La Salle University Management of Financial Institutions Association sa Natividad Fajardo-Rosario Gonzalez Auditorium, Marso 22. Nagbahagi ng mga sentimiyento sina Katrina Francisco, Climate Change and Sustainability Services partner ng SGV & Co.; […]
Lady Spikers, bumuwal sa bagsik ng Lady Tamaraws; tsansa sa twice-to-beat, umilap
NASILO ang De La Salle University (DLSU) Lady Spikers sa patibong na itinanim ng Far Eastern University (FEU) Lady Tamaraws, 20–25, 26–28, 25–20, 23–25, sa huling bakbakan ng elimination round ng University Athletic Association of the Philippines Season 87 Women’s Volleyball Tournament sa Smart Araneta Coliseum, Abril 26. Bagamat bigong iuwi ang panalo, nanguna para […]
#EDSA39: Sulo ng pag-aalsa mula sa nakaraan, pinagliyab laban sa tangkang pagpapatahimik
UMALINGAWNGAW sa kahabaan ng Epifanio de los Santos Avenue (EDSA) ang panawagan ng iba’t ibang sektor sa kabila ng pagdeklara ng administrasyong Marcos Jr. na gawing special working holiday ang ika-39 na anibersaryo ng EDSA People Power Revolution, Pebrero 25. Naging saksi ang EDSA Shrine at People Power Monument, Quezon City sa ikinasang programang pinangunahan […]
Forte 2025: Saliw ng mga namumulaklak na awitin ng tagsibol
Tila panahon ng taglamig, sumalubong sa pagpasok ng awditoryum ang mapanglaw na paligid at malamig na hangin. Kapara naman ng sumisilip na sinag ng araw ang mga ilaw ng entabladong nagbibigay liwanag sa malumbay na ere. Bakas sa mga manonood ang pananabik sa pagbibigay-buhay ng mga musikero sa mga awiting kawangis ng tagsibol—panahong sumisimbolo sa […]