Lady Woodpushers, tumahak ng magkataliwas na landas
BUMULAGA ang magkasalungat na kapalaran sa De La Salle University (DLSU) Lady Woodpushers matapos pasukuin ang hanay ng Adamson University (AdU) Women’s Chess Team, 4.0–0.0, at mautakan ng Ateneo de Manila University Women’s Chess Team, 1.5–2.5, sa pagtatapos ng single round-robin elimination ng University Athletic Association of the Philippines Women’s Rapid Chess Tournament sa Adamson […]
Green Batters, nabulilyaso sa pagsalakay sa defending champions
NAPURNADA ang paghataw ng De La Salle University (DLSU) Green Batters matapos bumuwelta ang naghaharing National University (NU) Bulldogs, 7–11, sa pagsasara ng unang kabanata ng University Athletics Association of the Philippines Season 87 Baseball Tournament sa Rizal Memorial Baseball Stadium, Marso 26. Mainit na palitan ng strike out sa unang inning ang pumagitna sa […]
Lady Spikers, natinag sa kahol ng Lady Bulldogs
BIGONG TUDLAIN ng De La Salle University (DLSU) Lady Spikers ang tagumpay kontra defending champions National University (NU) Lady Bulldogs, 19–25, 25–22, 20–25, 18–25, sa pagbubukas ng ikalawang yugto ng University Athletic Association of the Philippines Season 87 Women’s Volleyball Tournament sa SM Mall of Asia Arena, Marso 23. Sa kabila ng pagkatalo, umukit si […]
Lady at Green Tennisters, nanatiling bilanggo sa laylayan
DUMAKO sa magkaparehong direksiyon ang De La Salle University (DLSU) Lady at Green Tennisters matapos magapi ng University of Santo Tomas (UST) Female Tennisters, 2–3, at University of the East (UE) Men’s Lawn Tennis Team, 2–3, sa pagpapatuloy ng ikalawang kabanata ng University Athletic Association of the Philippines Season 87 Collegiate Tennis Tournament sa Rizal […]
Green Batters, sinunggaban ang inaasam na panalo ng Golden Sox
NASUNGKIT ng De La Salle University (DLSU) Green Batters ang panalo matapos pabagsakin ang pangkat ng University of Santo Tomas (UST) Golden Sox, 8–6, sa pagpapatuloy ng unang yugto ng University Athletic Association of the Philippines Season 87 Baseball Tournament sa Rizal Memorial Baseball Stadium, Marso 23. Sinalubong ng luntiang koponan ang umaga sa isang […]