IPINAGPATULOY ng DLSU Lady Spikers ang kanilang nagbabagang win streak matapos ungusan ang AdU Lady Falcons, 21-16, 22-20, sa UAAP Season 85 Women’s Beach Volleyball Tournament, Nobyembre 20.
Sa muli nilang pagsalang sa buhangin, agad na ipinamalas ng Lady Spikers duo Justine Jazareno at Jolina Dela Cruz ang tindi ng kanilang opensa at floor defense, 21-16. Sinubukan mang kumapit ng FEU, hindi ito naging sapat bunsod ng mga rumaragasang atake ng DLSU, 22-20.
Buhat ng nakamamanghang panalong ito, nanatili ang Lady Spikers sa unang puwesto sa team standings bitbit ang 3-0 panalo-talo kartada. Dumausdos naman sa ikalimang puwesto ang Lady Tamaraws tangan ang 1-2 rekord.
Abangan ang muling pagpapasiklab ng DLSU Lady Spikers sa buhangin kontra UE Lady Warriors sa darating na Miyerkules, Nobyembre 23, ika-9:30 ng umaga sa Mall of Asia Beach Volleyball Sandcourt.
Makahaharap din ng Taft-based squad ang powerhouse NU Bulldogs sa ganap na ika-2 ng hapon sa parehong lugar.