Pula. Berde. Rosas. Gusto ko lang naman mag-scroll pababa at pataas, pero kailan ba ‘ko makatatakas? Nakakaloka. Panay hiyaw ng “. . . SABAAY SABAAAAAY!” sa harap ng mga taong hindi magkanda-ugaga sa paghihintay ng ayuda. Sapilitan ba? Taas ng energy eh! Namamaos na si Panga. Nakakaawa.
**(Nag-scroll pababa)
“Guard, may baliw dito.”
‘Yan ang nabasa kong caption sa isang bidyong nagresulta sa pang-iinsultong natanggap ng mga taong kumakayod ng ilang oras para gampanan ang kanilang tungkulin at suportahan ang kanilang mga pamilya. Eh ilang oras ba?
18 hours.
“18 AWWAARS???,” laking pagtataka ni Kabang. Teka teka, sino ba kasing pasimuno neto ha? Napaka-cheap! Sabi nila si PDF file daw. ‘Di mo kilala ‘no? So ito nga ang latest.
Nagmamalinis na kopya ni PDF file
Masasabing kilala ang direktor na ito dahil na rin sa nakatatawang videos o short films na sumisikat sa Facebook, at talaga namang hit na hit ito sa kabataan. Sa totoo lang, dati niya ‘kong fan, pero nagbago ang lahat nang magsimulang umalingasaw ang tinatago niyang baho.
Kamakailan lang, gumawa siya ng isang bidyo na nang-aatake sa mga nagtatrabaho ng higit-kumulang 18 oras. Certified clout chaser talaga mga mars! Akala siguro ng kuya mong self-proclaimed director na bebenta siya sa masa, kaso sampal sa makapal niyang mukha nang naging talk of the town na naman ang lumang posts niya tungkol sa mga bata.
“. . . mga ilang mababait na bata kaya ang makakaranas ng lambing ko.”
“Masarap ang Bata.”
Nakakadiri! Siguro now gets mo na why PDF file. Nakakatawang isipin na dahil sa content nitong kakikitaan ng pagkuwestiyon sa isang kandidata eh hindi napigilang lumabas ang tunay niyang ugaling nangangamoy-basura.
Huwad na pagkatao ni Panga
Kilalang maka-Diyos at host sa bahay ni Kuya. Sabi ng mga nakatrabaho niya ‘eh mabait daw siya. Pero umalingasaw ang baho ni Ate Ghourl nang suportahan niya ‘tong ‘tigreng’ fave ang. . . coke.
Nakita ko sa isang post ang pag-ulan ng batikos sa aktres na itong itago natin sa pangalang Panga, at ilan sa mga nasilayan ko ‘eh ‘yung past niyang taliwas sa aking inaakala. Sa lahat ng tsismis, walang tatalo sa istorya ng panglalatigo niya sa isang mall habang ipinapangalandakang magaling daw siya sa mga bersikulo ng Deuteronomy. Tinamaan ‘yung medulla oblongata ko sa ganda ng kuwento! Feel ko, puwede na ‘tong manalo ng Palanca! Gano’n ba talaga kapag nasa likod ng camera? Hay ewan.
Ugat ng ugaling mala-basura
Alam ko namang may malalim na pinanghuhugutan ang nangangamoy na katauhan ng mga kontrobersyal faney na itez. Posibleng ang pag-ROAAAR ang paraan upang isalamin ang (dis)pleasing personalitae ng tigreng iniidolo. O baka naman ito ang inaasam na transpormasyon ng direktor–mula PDF file, magiging PDFfayaman sponsored by the red corner. Talaga nga namang “We are living in a material world. . .” Oo, kapit sa patalim o sa madaling salita, kapit sa panga ni evicted host-mate.
“What’s on your mind?”
Typing…
“Sino ang pinakabasura? Si PDF file x CloutChaser ng taon o ‘yung evicted all-around star kuno na nang ‘Watch Me Whip Whip’ ayon sa direksyon ng Espiritu Saints? EDUCATE YOURSELVES!” AND SHARE.
**(Baby M fans club attacks. Pinatay ang cellphone)
Hay! Hirap talaga maging bigger person!