Paghubog sa bagong henerasyon ng mga lider, itinaguyod sa TUKLAS 2021


INIHANDOG MULI ng Council of Student Organizations ng Pamantasang De La Salle (DLSU) ang programang TUKLAS na may temang The Next Set of Leaders, noong Abril 30, Mayo 8 at 15. Halos dalawang taong hindi inilunsad ang naturang programa at ibinalik lamang ito ngayong taon. 

Layon ng TUKLAS 2021 na maipakitang mayroon pa ring mga potensyal na lider na makatutulong sa pagpapabuti ng lipunan at ng kasalukuyang sitwasyon, sa pamamagitan  ng pag-imbita sa mga Lasalyanong gradweyt na mayroong karanasan sa iba’t ibang aspekto. Pagpapalawig ni Czina Lupig, isa sa mga tagapamahala ng proyekto, “The event’s aim is to impart knowledge and influence people to be successful and effective leaders in their own ways.”

Pagsusuri sa impormasyon

Sinimulan ang unang araw ng programa sa isang talakayan tungkol sa paksang The Power of Information. Saad ni Lupig, “We will be tackling how authentic information is essential and relevant in our daily lives, especially around these times where we highly rely on using media we see online.”

Unang ipinunto ni Gino Santos, isang kilalang filmmaker na gradweyt ng College of Saint Benilde, na huwag basta-basta maniniwala sa lahat ng nakikita sa online na plataporma. “Always do fact check,” payo niya. 

Ibinahagi rin ni Santos ang kahalagahan ng pagbibigay ng tamang impormasyon bilang isang direktor. Aniya, “It’s really important to have that sense of communication. . .   knowing the right information. It’s important in my field because. . . time is money and we cannot have any delays.”

Tinalakay rin ni Santos na mahalagang nakabatay pa rin sa katotohanan ang pagsulat ng kuwento kahit na nanggaling ito sa imahinasyon, emosyon, at sariling karanasan. Wika niya, “If you don’t have that, the film would be lacking human journey or experience.” Dagdag pa niya, ginagawa niya ito sa pamamagitan ng paglubog o pagsasagawa ng pananaliksik. 

“Trust is key in any relationship,” ani Santos ukol sa kahalagahan ng pagbuo ng tiwala sa pamamagitan ng pagbabahagi ng tamang impormasyon upang maging isang mabuting lider. Paalala pa niya, “Social media is one of the most powerful tools today. It can be used as a weapon. . .  Always think before you click.”

Samantala, binigyang-tuon naman ni Aaron Atayde, sports anchor ng United Football League sa AKTV at courtside reporter ng PBA na gradweyt ng DLSU Communication Arts, na magkakaiba ang mga salitang “truth,” “fact,” at “information” ngunit magkakaugnay ito. Paliwanag niya, “Truths are what we tell ourselves. . . Facts are things that you can prove. . . Information is research. It is a three step process that needs to be followed to be able to become that powerful information user that we are trying to be.”

Inilahad din ni Atayde na bias ang kadalasang nagiging hadlang sa pagsasagawa ng nabanggit na proseso. Kaugnay nito, ipinarating niya ang kahalagahan ng pag-unawa sa sariling bias. Aniya, “You just need to be honest with yourself on what your biases are. When you know your biases, . . . it would make it so much easier to control disseminating misinformation.”

Binigyang-diin din ni Atayde ang pagtanggap sa pagkakamali, “Credibility is one hundred times more important than your pride. . . If you posted something and it proves that it was wrong. Don’t just delete it, call back to it. . . Disprove what you said, as well. Do not hide behind your mistakes.”

Ipinaalala rin ni Atayde na maging bukas ang isipan sa pagkatuto dahil ito ang tunay na kahulugan ng impormasyon. “If information just stops at a closed mind, then it’s worthless. Open your mind to all information. . . Use information to further what is the actual truth,” sambit niya.

Katulad ni Santos, binigyang-halaga rin ni Atayde ang pagpapahayag ng katotohanan at pagpapakalat ng tamang impormasyon bilang bahagi ng pagiging isang mabuting lider. Aniya, “People will look to you to be the voice of truth. . . Use the truths, facts, and information to unite people, to shy away from all of these fake truths [and] fake news.”

Pagsulong ng inklusibong lipunan

Tinalakay naman ang paksang Inclusivity in the Industry sa ikalawang araw ng TUKLAS 2021. Pahayag ni Ysa Gutilban, isa sa mga tagapamahala ng proyekto, “Discrimination has been with us for as long as I can remember and we have been fighting [against] discrimination for how many decades and we still haven’t won it.”

Bilang pagtugon sa isyung ito, ibinahagi ni EJ Baillo, Executive Secretary ng University Student Government noong akademikong taon 2019-2020, ang kaniyang sariling karanasan sa Pamantasan bilang isang estudyanteng lider pati ang kaniyang karanasan sa trabaho sa perspektiba ng pagiging parte ng LGBTQ+ community.

Inilahad ni Baillo na mayroon nang ilang kompanyang nagtatanong ukol sa gender, sexual orientation, at pronouns sa mga aplikasyon para sa trabaho. Aniya, “There’s really progress in the industry regarding inclusivity. They are now more open to anyone, to everyone, especially those part of the LGBTQ+ community.”

Kaugnay nito, ipinunto ni Baillo ang kahalagahan ng pagpili ng kompanya o trabaho na inklusibo sa lahat. Punto niya, “This is very important if you’re part of LGBTQ+ community, you need to be comfortable working in this professional environment or in a workforce.”

Dagdag pa ni Baillo, “You have your choice. . . You go to a different crowd. Be part of organizations. Organizations that are welcoming, [that] accept who you are, value your opinions, your insights, your ideas.” Isa umano ito sa mga ginagawa niya upang labanan ang mga naranasang diskriminasyon noon.

Hinikayat din niya ang kapwa niyang nakararanas ng diskriminasyon na magpokus sa kanilang mga hangarin sa buhay. Pagdidiin ni Baillo, “Fight for everything that you want to achieve. Continue to stand up for yourself. Project yourself into society na I am here to get this goal.”

Naniniwala si Baillo na mahalaga ang pagiging inklusibo para magkaroon ng pantay na oportunidad ang bawat isa sa lipunan. “Inclusivity is important because that is where our future society should be—a safe, full of opportunities, and everyone has equal rights,” aniya. 

Nagbigay rin ng payo si Baillo para sa mga estudyanteng lider o mga naghahangad na tumakbo sa posisyon. Sambit niya, “All of us have a big role to play in promoting an inclusive environment. For student leaders, . . .  you should take part in the conversation or initiative on promoting or fostering inclusivity.” 

Sunod namang inimbitahan para magsalita sa talakayan si Miss World Philippines 2018 Katarina Rodriguez. Binanggit niya ang mga sinusuportahan niyang adbokasiya bilang ambassador, gaya ng Save the Children, Teach Peace Build Peace, at The Red Whistle Save Sexy.

Pagbabahagi ni Rodriguez, “I don’t get paid monetarily, but I do get paid in the friendships I make, the experiences I have, all the things I learned. . . Big key to success is that when there’s an opportunity that presents itself, you are ready to learn.”

Sa kabilang banda, ipinunto rin ni Rodriguez ang estereotipo ng pagiging isang babae sa industriya ng entertainment. Wika niya, “There’s a specific persona, specific image that you have to portray. In a way, it’s very sexist.” 

Para kay Rodriguez, mayroong epekto sa mismong pagkatao ng isang tao ang binubuong imahe sa industriya at social media. Ayon sa kaniya, “You lose your identity when you’re trying to create your brand for yourself online, or you’re trying to create your brand in the industry.”

Nag-iwan naman ng mensahe si Rodriguez para sa mga nakararanas ng diskriminasyon o pambabastos. Pahayag niya, “Take a step back and remind yourself who you are. . . When you work hard, you’re doing better for yourself, not anyone else.” 

Pagkamit ng epektibong pamumuno

Umikot naman sa temang Envisioning the Future with Gen Z ang webinar para sa ikatlong araw ng TUKLAS 2021. Pagdidiin ni Gutilban, “As the future generation, we should be aware of how to be capable and be an effective leader.”

Binanggit ni Nathan Philip Driz, College President ng College of Business mula 2019-2021, ang mga pangyayaring nagmulat sa kaniya sa mga politikal na isyu noong taong 2016, tulad ng pagkakaroon ng martial law sa Marawi, pagkaluklok ni Trump at Duterte bilang pangulo, pagbabalik ng mga Marcos sa puwesto, at paglibing kay Marcos sa Libingan ng mga Bayani. “I know that what is happening in our country is wrong, and I have to say something, I have to let my voice be heard. . . This year, I started to become a real Lasallian leader,” aniya.

Binigyang-diin ni Driz ang tungkulin ng mga Lasalyanong lider. “We have a responsibility not just to ourselves or to our peers but to society and to the people who are not as privileged as we are.”

Ibinahagi rin ni Driz ang kaniyang mga nagawa gaya ng paglulunsad The Marawi Project at paggawa ng resolusyon ukol sa anti-harassment and anti-discrimination noong 2017, pati ang pagpapanagot sa isang propesor mula sa Marketing and Advertising Department na nag-post ng kontrobersyal na komento sa Facebook. Matatandaang hindi na pinagturo ang propesor sa DLSU noong sumunod na termino, kaugnay ng panawagan ng mga estudyante na panagutan ng administrasyon ang nasabing aksyon ng propesor. 

Binigyang-tuon din ni Driz ang tatlong aspekto ng pamumuno ng isang Lasalyano. Hinati niya ito sa tatlo: una, ang pagtugon sa pangangailangan ng bawat estudyante, ikalawa, ang pagsulong sa mas inklusibong Pamantasan, at ikatlo, ang patuloy na paglaban para sa pagbabago sa lipunan. 

Paglalahad niya, “As Gen Z, we have the power to start a conversation and react to the things around us. And if you feel uncomfortable with the things you see, . . . I think that’s better because it shows that you care, it shows that you know these things that are happening, they are not okay.” Dagdag niya, mayroong kakayahan ang kabataan na makagawa ng pagbabago, maliit man o malaki. 

Sunod namang naghabagi si Bryan Celeste, mayor ng Alaminos City, Pangasinan na gradweyt ng BS Entrepreneurship ng DLSU, ukol sa kaniyang pagsisimula bilang isang mahiyaing estudyante noong kolehiyo tungo sa pagpasok niya sa mundo ng politika ngayon. Aniya, “One key that I tried to emulate is that confidence can really do so much in you. You just have to believe in yourself and everything will follow.”

Sa kabilang banda, naniniwala naman si Celeste na ang kasalukuyang henerasyon ang katalista ng pagbabago. Saad niya, nakatulong ang madaling akses sa social media at impormasyon dahil nagsisilbing “check and balance” ang teknolohiya sa mga ginagawa ng tao sa kasalukuyan. “That reason alone is the reason why I think that we are the catalyst of change. We are more conscious of what we do. . . because we know how one thing can affect some.” 

Sa huli, hinikayat ni Celeste ang mga manonood na tanggapin ang hamon ng pagiging isang lider sa hinaharap sakaling mabigyan ng oportunidad na makatulong upang mapaunlad ang lipunan. Pagtatapos ni Celeste, “Hopefully when the time comes that we will be the ones in charge, we wouldn’t be repeating the same mistakes before us.”