POPOSASAN ang mga kamay at paa, kakalampag sa ginhawa’t kalbaryong nadarama, at pipigain ang katas ng ibinaong sandata — ganito kabagsik at kakalat ang mga salpukan sa Esport tournaments ng mga dating app, tulad na lamang ng mga inilunsad na kompetisyon sa Tinder na dinumog ng mga Pilipinx pakboiz at pakgh0rlz nitong Marso 11 sa Hoely Virgin Hotel sa Thailand.
Bunsod ng samu’t saring kasikatan at tagumpay na natamasa ng online dating, tuluyang kinilala ng Pamantasang De La Salle (DLSU) ang kanilang mga sadista’t masokistang manlalaro na sasabak sa online dating bilang pinakabagong Esport. Itinayo ng Pamantasan nitong Pebrero 14 ang organisasyong Succmy Dictus na mayroong mga koponan sa Tinder, Bumble, at Grindr app upang maiwagayway ang bandera ng DLSU sa mga entablado ng collegiate online harutan.
Pagtatag ng mga torneong pamburikat
Sa panayam ng Buwanang Kalat at Katarantaduhan (BUKAKA) kay Jack Cool, daddy above all nation ng Succmy Dictus, ipinahayag niyang importanteng may likas na talento sa pagpapasabog ng matatamis na salita at pag-pull out sa attachment ang mga manlalaro upang mapadapa at mapatuwad ang mga bottom sa standings. “Esports team kami mamsh, as mga palaban, dapat pak at plakado pa rin ang aming members bilang professional players,” paglalahad ni Cool.
Makapupuntos sila sa unang yugto ng laro kung magagawa nilang makapang-akit, magpaasa, at mangolekta ng iba’t ibang dating app user. Mapasasakamay naman ng mga manlalaro ang liderato sa unang yugto kung pak na pak sila sa mga nabibiktimang simps; isang puntos kapag nag-reply ang mga ito at tatlong puntos naman kapag na-ghost o naka-meet.
Narerekord ang performance ng mga dekalibreng manlalaro gamit ang Poosy Collect app na nakakonekta sa memory ng kanilang mga phone. Gamit ang personal dating activity at information, maaaring mabilang ng tracking application na ito ang mga taong naka-match, nakachismisan, at na-ghost ng mga kasapi ng Succmy Dictus.
Magsisilbing pandagdag-puntos sa kabuuang iskor ang maitatalang panalo mula sa unang yugto ng laro sa huling kwarter ng bakbakan. Sa huling yugto, kinakailangan nilang makaakit ng maraming dating app users sa loob ng hotel o venue ng sinalihang paligsahan para makalikom pa ng bigating overall points.
Fly high, sulsulerang Pinay
Sa mga hamong inihanda ng laro, nagtamo ng pinakamataas na puntos ang Bumble squad ng Succmy Dictus sa Ratbususo Cup nitong ika-seks ng Abril sa SOGO hotel. Karga ang umaatikabong sumatotal 6969 na puntos, hinirang bilang kampeon ng naturang Esport competition ang Green Modta Damp, tangan ang pinakaaasam na titulo bilang kaunaunahang pangkolehiyong koponang nagwagi sa prestihiyosong bugawan.
Tuluyang naging dominante sa torneo ang Bumble squad matapos nilang makapag-uwi ng gintong medalya. Ibinahagi ni Tina Moran sa BUKAKA, Green Modta Damp ng Bumble squad, na sagarang nasubok ang kanilang alindog sa naturang paligsahan. “It wasn’t easy to get scores sa 1st round ng league ‘cos some are pa-hard to get like ayaw makipag-meet,” aniya.
Bunsod ng napasakamay na kasikatan, napaulanan ang koponan ng mga sponsorship mula sa TITI corporation (Toys and Innovations for Thirsty Individuals) at PUKI (Philippine United Kipay Industry). Hatid ng mga kompanyang ito ang mga bonggang regalo tulad ng naglalakihang chukchakan essential toys mula sa Japan pati buwanang ayuda na umaabot hanggang sampung libong piso.
Chukchakang may dalang panganib
Inilantad ni Tiktik Destroyer, Green Twink ng Grindr squad, sa BUKAKA ang mga safety protocol ng Green Twinks bago makipagchukchakan sa naturang Esport. Para sa mga bottomesa, kailangan muna nila ang basbas ng bidet upang masigurong dalisay ang kani-kanilang black hole bago harapin ang gutom at galit na alaga ni daddae. Naniniwala rin si Destroyer na mahalaga para sa mga beking manlalaro na magpraktis ng seypseks sa Grindr leagues upang maiwasan ang anomang sakit tulad ng human immunodeficiency virus.
Maliban sa mga bee-rus, mahirap para sa kababaihan at mga Gay Kween na mag-fly like a bird sa mga patimpalak bunsod ng patriyarkal at konserbatibong sistema ng lipunan. “Uso sa mga beki sa gay apps ‘yung manly to manly as if ‘di rin sila mahilig sa talong, and ‘yung girls from other teams sa org, laging nasasabihang malalandi as compared to sexually liberated na guys that would receive compliments pa from netizens,” pagko-call out ni Destroyer ukol sa cyberbullying na natatanggap nila sa dating app competitions.
Para sa Bumble at Grindr squad, marami mang hindi nakauunawa sa kanilang karanasan, mananatili pa ring totoo’t matatag — sa puso’t isipan — ang mga manlalaro ng dating apps, birdy man o flower ang nakatagong sandata nila sa gitna ng hita. Wala umano sa kasarian ang kanilang kahalagahan bilang atleta, kundi sa kapasidad nilang umarangkada at chumupachups sa makalat ngunit maligayang mundo ng online dating.
Lubos na nagpapasalamat ang Succmy Dictus para sa mga badette na walang sawang sumusuporta sa kanilang pangmalantod na adbokasiya. Inaanyayahan din nila ang lahat na makisaksi sa kaabang-abang na gabi ng torneong Naughty Buena Night sa darating na Disyembre 25 sa Chokemhie Hotel.