Tipo ng Pag-asa: Pagdaloy ng malasakit sa DLSU-RCYC Blood Drive 2026

May mga buhay na naghihintay ng tamang titik—isang letrang bubuo sa pag-asang tila nabibitin. 

Bubuhayin ng De La Salle University – Red Cross Youth Council (DLSU-RCYC) ang diwa ng pagmamalasakit tungo sa You’re Just My Type: Blood Drive 2026 sa Yuchengco Cave mula ika-8:00 n.u. hanggang ika-5:00 n.h., Pebrero 23, 24, at 25.

Pangungunahan nina Dana Angelica O. Reyes at Maria Raffaela N. Tamayao ang tatlong araw na aktibidad upang pagdugtungin ang kanilang adbokasiyang tugunan ang kakulangan sa suplay ng dugo sa mga lokal na ospital at blood bank. 

Sa isang bag na lilikom ng higit-kumulang 450 mililitro ng dugo, inaasahang makatutulong ito sa tatlong pasyenteng nangangailangan ng agarang tulong medikal.

Pamamahalaan din ng Philippine Red Cross – Manila Chapter ang blood drive upang masiguro ang kalidad at kaligtasan ng bawat donasyon. 

Hinihikayat ng DLSU-RCYC ang mga Lasalyanong maglaan ng 30 minuto bilang pakikiisa sa kultura ng serbisyo at pag-asa, isang maliit na sakripisyong maghahatid ng malaking pagbabago. 

Inaanyayahan ng organisasyon ang mga kalipikadong Lasalyanong makiisa sa kanilang panata at magpatala ng pagdalo sa: https://bit.ly/Blood-Drive-T2-Donor-Form

Pinaaalalahan din nilang tandaan ang ilang gabay sa blood drive na makikita rito: https://bit.ly/Blood-Drive-FAQs

Maaari ding bisitahin ang kanilang mga opisyal na social media page sa ibaba para sa mga karagdagang anunsiyo.

Facebook: https://www.facebook.com/DLSURCY/

Instagram: https://www.instagram.com/dlsu_rcyc/

Tangan ng bawat patak ang pumipintig na pangako. Sa pagkakataong ito, maaari kang maging titik na magpapatuloy sa kuwento ng isang buhay. Padaluyin ang malasakit sa dugong tanda ng panibagong kabanata ng pag-asa. 

#DLSU_RCYC

#AlwaysFirst

#YoureJustMyType

#ReadyToServe

#BloodDrive2026