
Mulat ang mga mata. Tumitindig sa gitna ng kinabukasang naglalaho ang katiyakan. Hinahanda ang diwang tumatanglaw ng panibagong liwanag.
Inihahandog ng Industrial Management Engineering Society – De La Salle University (IMES-DLSU) ang taunang pagtitipon sa Premier Summit 2025: Sinag ng Hiraya sa Natividad-Fajardo Rosales Gonzales Auditorium sa Sabado, Nobyembre 8.
Mula ika-10:00 n.u. hanggang ika-3:00 n.h., layunin ng kumperensiyang pagtibayin ang karunungan at malasakit ng mga kabataang lider sa paglinang ng adhikaing magpapatuloy na lumikha ng makataong pagbabago.
Sa temang “Visionary Leadership,” tampok ang mga interaktibong workshop at talakayang pinaliliwanag ang imahinasyon upang sagutin ang mga tanong ng kasalukuyan.
Bibigyang-diin ni G. Jesus Joey Marcelo sa “The Power of a Personal Vision” ang kahalagahan ng malinaw na pananaw bilang sandigan ng epektibong pamumuno.
Ibabahagi naman ni Bb. Chery Patricia Uy sa “Seeing Beyond the Present” ang kaniyang karanasan sa pagiging estudyanteng lider tungo sa isang propesyonal na patuloy na humuhubog ng kakayahang umangkop sa nagbabagong lipunan.
Inaanyayahan ng IMES-DLSU ang lahat ng kasapi at katuwang ng organisasyong makiisa sa pagharap ng hamon ng kinabukasan. Magpatala sa https://bit.ly/PRS25-Reg-Form.
Para sa iba pang detalye at impormasyon, bisitihan ang kanilang opisyal na Facebook page sa https://www.facebook.com/dlsuimes
#PremierSummit2025
#SinagNgHiraya
#ExcellenceBeyondBorders
#OneIMES
#IMESat49
