Pondo ng Pinoy: Kalakaran sa kaban ng bayan, inilatag sa KAMALAYAN
NILINAW sa Kamustahan ng Malalayang Lasalyano (KAMALAYAN) ang usapin ukol sa karapatan ng mga Pilipino sa pondo ng bansa sa pangunguna ng De La Salle University (DLSU) Committee on National Issues and Concerns, katuwang ang Lasallian Justice and Peace Commission at Jesse M. Robredo Institute of Governance (JRIG), sa Teresa Yuchengco Auditorium, Setyembre 24. Pinaigting […]
Green Archers, nakaalpas sa gapos ng Red Warriors
SINALISI ng De La Salle University (DLSU) Green Archers ang bentahe kontra University of the East (UE) Red Warriors, 111–110, sa kanilang makapigil-hiningang pagtutuos sa unang yugto ng University Athletic Association of the Philippines Season 88 Men’s Basketball Tournament sa SM Mall of Asia Arena kahapon, Oktubre 15. Nangibabaw bilang Player of the Game si […]
Paggiit sa nakabubuhay na sahod, isinulong sa Pandaigdigang Araw ng Paggawa
NAGTIPON-TIPON ang iba’t ibang mga sektor ng manggagawang Pilipino sa Liwasang Bonifacio, Maynila upang isulong ang matagal nang panawagang nakabubuhay na sahod sa Pandaigdigang Araw ng Paggawa, Mayo 1. Naudlot ang pagmartsa ng mga nakiisang organisasyon patungong Mendiola, Maynila bunsod ng pagsalubong ng mga awtoridad at mga barikadang may nakapulupot na barbed wire sa kahabaan […]
Sa ilang salita mo lamang, gagaling na ako
Isang kakila-kilabot na panaghoy ang gumambala sa mapayapang purok. Sa kaibuturan ng lungsod, nakatayo ang isang tahanan sa masukal na lupaing dumadagdag sa misteryong bumabalot dito. Umalingawngaw ang boses ng isang dalagita mula sa loob, ngunit hindi nito natatakpan ang mga bulungan sa paligid na may bakas ng pangamba. Sa pagpasok sa nasabing tahanan, bumungad […]