Mga nangangapang arkero: DLSU Lady Archers, tumumba kontra sa FEU Tamaraws!

10 September 2017
238 Views

 ni Fhery Ahn Adajar

PUMALYA ang offensive prowess ng De La Salle University (DLSU) Lady Archers sa kanilang unang laban kontra sa Far Eastern University (FEU) Lady Tamaraws sa iskor na 62-70, Setyembre 10 sa Mall of Asia Arena.

Sa unang yugto ng laro, nagpasiklab agad ang Taft mainstays nang agad makagawa ng puntos ang DLSU sa pangunguna ni Lady Archer Marga Dagdagan matapos ang isang steal mula kay Lady Archer Bernice Paraiso. Nagpatuloy ang scoring spree ng Green and White team matapos ang dagger threes mula kina Joehanna Arciga at Ana Castillo. Gayunpaman, unti-unting nabuo ang momentum dahilan upang makuha ng FEU ang bentahe, 15-25.

Sa pagbubukas ng ikalawang quarter, ginamit ng Taft-based squad ang kanilang fast-paced gamestyle na naging susi sa fastbreak points sa pangunguna muli ni Arciga. Dagdag pa rito, hindi natapos ang mainit na shooting ni Castillo mula sa rainbow country na naging malaki ang kontribusyon sa koponan. Sa kabila nito, walang habas ang pamumuntos ng FEU sa pangunguna nina Lady Tamaraws Isabel Arellado at Precious Baleser. Sa pagtatapos ng ikalawang yugto, tangan ng FEU ang kalamangan, 35-46.

Naging mailap naman ang paggawa ng puntos ng parehong koponan sa ikatlong quarter ng laro. Gayunpaman, muling nakapagtala si Arciga ng fastbreak points mula sa defensive press ng DLSU na naging sanhi ng turnovers ng kalabang koponan. Tumulong din sa scoring output si Lady Archer Charmaine Torres matapos ang isang floater, 43-58.

Sa ikaapat at huling quarter, makikita sa parehong koponan ang kagustuhang maiuwi ang unang panalo para pagsisimula ng season. Tila naging ganado ang Taft mainstays matapos magpaulan ng tres nina Castillo at Dagdagan. Sa kabuuan ng huling yugto, gumawa ang DLSU ng 19 puntos kumpara sa 12 puntos ng kalabang koponan. Gayunpaman, hindi ito naging sapat upang patumbahin ang FEU at maiuwi ang kauna-unahang panalo, 62-70.

Sunod na kalalabanin ng DLSU Lady Archers ang National University (NU) Lady Bulldogs sa Sabado, Setyembre 16, sa Smart Araneta Coliseum.

Retrato- kuha ni Justin Ray Aliman 
 

Tweet about this on TwitterShare on FacebookEmail this to someone

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <s> <strike> <strong>

Login

Lost your password?