DLSU Green Archers, pinaamo ang FEU Tamaraws!

10 September 2017
380 Views

ni Fhery Ahn Adajar

PINATUNAYAN ng defending champions, DLSU Green Archers, ang kanilang titulo sa FEU Tamaraws matapos ipanalo ang kanilang unang laban sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 80, Setyembre 10 sa Mall of Asia Arena. Nagwagi ang Taft-based squad sa iskor na 95-90. Pinangunahan ni Green Archer Aljun Melecio ang kanyang koponan matapos niyang gumawa ng 29 puntos.

Palitan ang pagpuntos ng FEU at DLSU sa unang yugto ng laban. Gayunpaman, bumuo ng 7-0 run ang Taft mainstays. Tinambakan ng Green and White team ang kalaban sa pagtatapos ng unang yugto, 29-11.

Patuloy na nagpaulan ng tres si highest scorer Melecio sa pagpasok ng ikalawang yugto. Napako ang iskor ng kalaban sa 14 puntos buhat ng mainit na kamay ng atleta at nakagigimbal na block ni Abu Tratter kay Prince Orizu. Sa kabila nito, hindi nagpatinag ang Morayta-based squad at ibinaba sa 15 puntos ang lamang ng kalaban, 47-32.

Tinapyasan ng Tamaraws ang lamang ng kalaban upang idikit ang iskor, 49-40, DLSU. Nagkaroon din ng alitan ang mga koponan dahilan sa pagtawag ng technical foul ng mga referee kontra FEU. Buhat nito, nakabuo ng 8-0 run ang Taft mainstays sa pangunguna ng nagliliyab na kamay ni Kib Montalbo. Tumawag ng timeout ang kalaban upang mapigilan ang muling paglobo ng kalamangan sa huling 2:52 segundo ng ikatlong yugto. Sa kabila nito, bitbit ng Taft mainstays ang 19 puntos na bentahe, 73-54.

Sinubukang pigilan ng Morayta-based squad ang patuloy na pag-arangkada ng Taft mainstays ngunit hindi nagpatinag ang koponan. Sinandalan ng koponan ang mataas na free throw at 3-point shot percentage. Dagdag pa rito, inagapan ni Montalbo ang posibleng pagkabuwag ng momentum sa pamamagitan ng isang steal mula sa fast break, 95-90.

Lalong naging kaabang-abang ang mga susunod pang laban na kahaharapin ng DLSU Green Archers sapagkat ayon kay Coach Aldin Ayo, hindi pa ipinamamalas ng koponan ang kanilang buong potensyal. “I was expecting more,” aniya.

Sunod na makasasagupa ng DLSU Green Archers ang NU Bulldogs, Setyembre 16 sa SMART Araneta Coliseum.

Tweet about this on TwitterShare on FacebookEmail this to someone

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <s> <strike> <strong>

Login

Lost your password?