Bagong simula para sa mga atleta: DLSU teams, nakiisa sa UAAP Season 80 Opening Ceremony!

9 September 2017
341 Views

ni Kathleen Jhoanne Martinez

OPISYAL na binuksan ang University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 80 na may temang, “Go For Great”  sa pangunguna ng Far Eastern University (FEU), ika-9 ng Setyembre sa Mall of Asia Arena.

Sa panimulang mensahe, ipinarating ni FEU President Dr. Michael M. Alba na magkaisa ang bawat unibersidad na kabilang sa UAAP tungo sa iisang mithiin. Aniya, “There’s no [other] way but to go up.” Dagdag ni Alba, “In Season 80, let’s go for great!”

Handa na ang Taft-based squad na ibalik ang korona sa Abenida ng Taft sa temang, “Laban LasalleYAN.” Naglalayon ang Pamantasan na suportahan si dating Lady Paddler at Rio Olympian Ian Lariba sa kanyang pinagdaraanang pagsubok sa buhay. Bunsod nito, kasama sa parada ng mga atletang Lasalyano ang kanyang ina na si Gng. Imelda Lariba.

“Being somebody who represented La Salle and the Philippines, she deserves to get a support, not only moral but also financial. So, we’re having a fund raising for her,” pahayag ni DLSU President  Br. Raymundo Suplido FSC.

Hangad ni Suplido na magkaisa ang mga atleta kasama ang pamayanang Lasalyano. Aniya, “We continue to encourage them, as usual, to play as Lasallians [and] to give their best no matter what the sport is.” Dagdag pa rito, nais  niyang mabigyang-suporta ang lahat ng koponan, manalo man o matalo. “Some teams need more moral support [and] more vocal support just like the Animo Squad supports every team,” pagtatapos niya.

Sasabak ang DLSU Archers kontra FEU Tamaraws sa linggo, Setyembre 10 sa Mall of Asia Arena.

Retrato – kuha ni Arah Josmin Reguyal

Tweet about this on TwitterShare on FacebookEmail this to someone

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <s> <strike> <strong>

Login

Lost your password?