Mga bagong opisyal ng tatlong komite ng LA, kinilala

6 September 2017
210 Views

nina Juan Miguel Canja at Joyce Ann Danieles

INIHALAL ang ilang myembro ng Legislative Assembly (LA) upang punan ang pwesto ng Chairperson, Vice-Chairperson at Committee Secretary ng bawat komiteng itinalaga sa kanila sa isinagawang LA session noong Setyembre 5 sa 1D Conference Room, Faculty Center.

Hinati-hati ang mga myembro ng LA upang itakda sila sa kani-kanilang komite partikular ang National Affairs (NATAFF) Committee, Rules and Policies (R&P) Committee, at Students Right and Welfare (STRAW) Committee.

Kabilang sa mga nanalong opisyal sa NATAFF sina BLAZE2019 LA Representative Lia Manalo bilang Chairperson, CATCH2T19 LA Representative EJ Caguiat bilang Vice-Chairperson, at Hans Sy ng EXCEL2018 bilang Committee Secretary.

Itinalaga naman upang mamuno sa R&P sina BLAZE2018 LA Representative Jess Magaoay, Hazel Chung ng 69th ENG, at FAST2014 LA Representative Lia Ong bilang Chairperson, Vice-Chairperson, at Committee Secretary, ayon sa pagkakasunod-sunod.

Para naman sa STRAW, nagwagi sina FAST2015 LA Representative Norbs Sarigumba bilang Chairperson, 70th ENG LA Representative Nina Lagera bilang Vice-Chairperson, at Stella Santos ng 71th ENG bilang Committee Secretary.

Samantala, binigyang-pugay sina Sarigumba, CATCH2T20 LA Representative Adrian Mendoza, Lagera, Chung, at Magaoay bilang mga topnotcher sa ginawang pagsusulit ng LA.

Tinapos ang sesyon sa pagtalakay ng ilang paalala patungkol sa isasagawang rebisyon ng student handbook na pagpupulungan ng LA sa mga susunod na araw. Inaasahang sa Setyembre 30 ang huling araw ng pagpapasa ng mga initial proposal para sa nasabing agenda.

 

Tweet about this on TwitterShare on FacebookEmail this to someone

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <s> <strike> <strong>

Login

Lost your password?