Pinakaunang AP Quiz Bee, tampok sa DLSU

31 August 2017
310 Views

ni Joyce Ann Danieles

IDINAOS ang kauna-unahang TALAISIPAN 2017: Quiz Bee sa Araling Pilipinas (AP) noong Agosto 30 sa Y407-409 bilang bahagi ng opisyal na pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2017 sa DLSU. Tampok sa aktibidad ang pagtatagisan ng mga kalahok mula sa 13 senior high school mula sa Metro Manila, Gitnang Luzon, at CALABARZON.

Kasali sa kompetisyon ang De La Salle-Zobel (DLSZ), University of Sto. Tomas-Senior High School (UST), Paco Catholic School (PCS), La Salle Green Hills (LSGH), Manila Tytana College-Senior High School (MTC), San Beda College-Alabang Senior High School (SBC-A), De La Salle-Lipa Senior High School (DLSL), Manila Science High School (MaSci), Lourdes School of Mandaluyong (LSM), Divine Light Academy-Las Piñas (DLA), Xavier High School (XS), University of Assumption-Pampanga Senior High School (UA-P) at De La Salle-Dasmariñas Senior High School (DLS-D).

08.30.17 Talaisipan 2017 3 kuha ni Marvin Gonzales

 

Sa pangunguna ni Quiz Master Dr. David Michael San Juan at ng pakultad ng Departamento ng Filipino, binuo ng elimination at finals round ang patimpalak. Bukod sa tagisan ng isip, tampok din ang pagbabahagi ni San Juan ng suplementaryong kaalaman tungkol sa mga paksang may kaugnayan sa larangan ng wika, kultura, midya, sining, at lipunan.

Sa pagtatapos ng elimination round, mga pangkat lamang mula UA-P, SBC-A, MaSci, UST, at MTC ang nagpatuloy sa pagtatagisang-isip para sa huling round. Gayunpaman, MaSci ang nagkampyon, sumunod ang UST at MTC para sa ikalawa at ikatlong pwesto ayon sa pagkakasunod-sunod.

Retrato – mga kuha ni Marvin Gonzales

 

 

Tweet about this on TwitterShare on FacebookEmail this to someone

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <s> <strike> <strong>

Login

Lost your password?