HTRB, tututukan ang kaligtasan tuwing Happy Thursday

26 August 2017
443 Views

ni Andre Nidoy

INILAHAD ng Happy Thursday Regulatory Board (HTRB) ang kanilang planong paigtingin ang kalitagsan ng mga estudyante tuwing Happy Thursday sa idinaos na Stakeholder’s Covenant Signing, Agosto 24 sa Henry Sy. Sr. Hall. Kabilang sa mga lumagda sa kasunduan sina Chancellor Dr. Robert Roleda, ilang myembro ng DLSU-Parents of the University Students Organization (DLSU-PUSO), University Student Government (USG),  at mga opisyal ng Manila City Hall at Philippine National Police (PNP).

Unang nagbigay ng mensahe si DLSU-PUSO President at HTRB Chairman Atty. Dionisio T. Garciano patungkol sa kahalagahan ng pagkakaroon ng regulatory board. Para sa kanya, layon ng lupong makipagtulungan sa mga pulisya at mga may-ari ng drinking establishments na kontrolin ang mga insidenteng nangyayari tuwing Happy Thursday.

“Take everything in moderation and know your limit,” naman ang naging mensahe ni Roleda sa mga Lasalyano na dumadalo tuwing Happy Thursday. Dagdag pa niya, dapat magtulungan ang bawat sektor ng Pamantasan upang matugunan ang mga isyung kinkahaharap ng mga Lasalyano tuwing Huwebes ng gabi sa mga drinking establishment.

Sa pagtatapos, ipinaliwanag ni Guest of Honor at Secretary to the Vice Mayor of Manila Joel Chuang mga ordinansang kailangan malaman ng mga estudyante tuwing Happy Thursday. Una niyang isinaad ang Ordinance no. 555 na ipinagbabawal ang pag-inom sa mga pambulikong lugar. Nabanggit din niya ang Ordinance no. 3532 na nagtatakda ng 200 metrong layo ng mga drinking establishment mula sa sentro ng isang paaralan.

Retrato – kuha ni Lyann Cabador

Tweet about this on TwitterShare on FacebookEmail this to someone

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <s> <strike> <strong>

Login

Lost your password?