Manifesto sa EJK, tinalakay sa unang sesyon ng bagong LA

24 August 2017
247 Views

ni Robert Jao Diokno

SINIMULAN ng mga bagong halal na Legislative Assembly (LA) representative ang kanilang unang sesyon sa pamamagitan ng pagbuo sa minority at majority floors at pagtalakay sa manifesto patungkol sa extrajudicial killings (EJK), Agosto 23 sa A1506.

Pinangunahan ni incumbent USG Executive Treasurer Brian Chen ang pagpili ng bawat LA representative ng floor na nais nilang salihan maging ang botohan para sa susunod na Chief Legislator at floor leaders.

Hinirang sina BLAZE2017 LA Representative Pia Ramin bilang Chief Legislator, CATCH2T20 LA Representative Adrian Mendoza bilang Majority Floor Leader, at EXCEL2017 LA Representative Nicole Cruz bilang Minority Floor Leader.

Huling tinalakay sa sesyon ang manifesto patungkol sa EJK. Layunin nitong ihayag ang pagkondena ng pamayanang Lasalyano sa nangyayaring EJK sa bansa. Matapos ang ilang rebisyon, napagpasyahan ng LA na ipasa ang naturang manifesto.

Retrato – kuha ni Arah Reguyal

Tweet about this on TwitterShare on FacebookEmail this to someone

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <s> <strike> <strong>

Login

Lost your password?