Unang Smart City Congress 2017, namayagpag sa DLSU

9 August 2017
106 Views

ni Joyce Ann Danieles

INILUNSAD ang kauna-unahang komperensyang pinamahalaan ng mga estudyante, Smart City Congress (SCC) 2017, nitong Agosto 4-6 sa Pamantasang De La Salle. Layunin ng 3-day event na pangunahan ang mga inisyatibong kaugnay ng urban development sa bansa.

Binibigyang-diin ng programa na maibahagi ang kahalagahan at potensyal ng teknolohiya na makapagtatag ng smart city na may kakayahan para sa sustainable living at matalinong pamamahala. Gampanin ng gobyerno at ng iba’t ibang industriya ng transportasyon, infrastructure and urban planning, at Information and Communications Technology ang ilan sa mga paksang tampok dito.

Para matupad ang mga layunin, tinutukan ng programa ang kompetisyong tinawag nilang Ideathon. Layon nitong hikayatin ang mga delegadong bumuo ng solusyon, plano o ideyang maaaring ipatupad para maresolba ang mga problemang kinakaharap ng bansa. May posibilidad ding maging daan ito sa pagkakatatag ng smart cities sa bansa.

Sa unang araw ng SCC, ginanap ang workshops, networking, at groupings. Nagkaroon ng maikling talk sa mga praktikal na paksang sumasaklaw sa Pitching Best Practices at Learn Startup Methodology para sa Ideathon Workshops. Matapos nito, nagsimula ang “Pitchfire” sa pamamagitan ng pagpapangkat ng mga delegado, pagplano, at pananaliksik patungkol sa bubuuin nilang solusyon, plano o ideya.

Nagpatuloy sa pagbuo ng kanilang proyekto ang mga delegado sa ikalawang araw ng SCC. Nagkaroon muli ng mga panibagong talk subalit binigyang-pagkakataon din ang mga delegadong ipakonsulta ang kanilang proyekto sa mga facilitator ng kompetisyon. Sa araw rin na ito binuo ng mga delegado ang “Pitch deck” na gagamitin upang ipresenta sa mga hurado.

Samantala, nagkaroon ng anim na keynote speakersang huling araw ng SCC. Matapos nito, binigyan muli ng pagkakataon ang mga delegado na maghanda at isapinal ang kanilang proyekto para sa presentasyon nito sa harap ng mga hurado. Binigyan ang bawat grupo ng pitong minuto upang ipresenta at idepensa ang kanilang proyekto.

Natapos ang programa sa pag-anunsyo ng mga nanalo sa Ideathon at nakatanggap sila ng tropeyo, cash prize, at sertipiko.

Tweet about this on TwitterShare on FacebookEmail this to someone

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <s> <strike> <strong>

Login

Lost your password?