LEA: Pagkilala sa mga estudyante, propesor, at organisasyong nagpamalas ng galing

8 August 2017
183 Views

nina Juan Miguel Canja at Robert Jao Diokno

GINAWARAN ng parangal ng Council of Student Organizations (CSO) ang mga estudyante at propesor na nagpamalas ng talento sa kanilang mga larangan at mga organisasyon para sa mga natatangi nilang proyekto sa 42nd Lasallian Exellence Award (LEA) Night, Agosto 4 sa Natividad Fajardo Auditorium.

Pinamunuan ng Award-Giving Bodies ang pamimili sa mga mananalo at nagsilbi ring turnover ceremony ang culminating night para sa Council of Student Organizations Executive Board.

Nanalo si Ms. Maria Corazon Colendrino, kumakatawan sa College of Education (COE), bilang Students Search for Oustanding Teachers (SSOT) grandwinner.

Nakuha naman ni Deither Marco Marinda ang titulong The Outstanding Coeds, The Outstanding Young Men (TOCTOYM). Aniya, “Nagpapasalamat ako sa pamilya ko para sa suporta nila. Sa mga estudyanteng gustong magtagumpay, gawin niyo lang nang maaga at maayos ang trabaho ninyo.”

Para naman sa kategoryang Outstanding Professional Organization, napili ang Economics Organization, Union of Students Inspired Towards Education, Team Communication, at Civil Engineering Society.

IMG_4187

Kinilala ang mahuhusay na opisyal ng mga organisasyong pangmag-aaral sa ilalim ng CSO sa naturang pagtitipon. Kabilang dito sina Elaine Sadang (ENGLICOM) bilang Executive Vice President, Mary Lee (MAFIA) bilang Vice President, Patricia Caringal (ECONORG) bilang Assistant Vice President, Theriza Quiambao (BMS) bilang Secretary, at Marian Quing (BMS) bilang Treasurer.

Binigyang-parangal din ang mga natatanging programa ng ilang organisayon sa ilalim ng CSO. Ilan sa mga ito ang Tutorial Aptitude Program (ECONORG) – Outstanding Academic Program/Contest, Economics Scholarship Program (ECONORG) – Outstanding Community Engagement, at BMS Cares: Barya Mo Sulit (BMS) – Outstanding Fund Rasising Activity.

Ginawaran din ang executive board ng CSO at lahat ng pangulo ng mga organisasyong pangmag-aaral sa ilalim ng CSO bilang pagkilala sa kanilang serbisyo ngayong akademikong taon.

Matapos ang LEA night, inaasahan pa ng Award-Giving Bodies na ipagpatuloy ng mga organisasyon, estudyante, at propesor ang pagpapamals ng galing at talento sa loob at sa labas ng Pamantasan.

Tweet about this on TwitterShare on FacebookEmail this to someone

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <s> <strike> <strong>

Login

Lost your password?