COLE: Student leaders, binalikan ang karanasan sa pamumuno

6 August 2017
213 Views

nina Marc Daniel Abiño at Hannah Gabrielle Mallorca

IBINAHAGI ng mga student leader ang kanilang mga karanasan sa panunungkulan ngayong akademikong taon sa panghuling Convention of Leaders (COLE), Agosto 4 sa 4F, Multipurpose Hall, HSSH.

Sa pagsisimula ng pagtitipon, nagbigay ng payo si Pangalawang Pangulong Leni Robredo tungkol sa kahalagahan ng pagiging mabuting pinuno sa loob at labas ng Pamantasan. Dagdag pa niya, “You are in a powerful position to inspire fellow millennials to take on the unique challenges that is happening in our time.”

Binigyang-diin ni Sofia Cruz, kinatawan ng Student Managers, ang kanilang tungkuling suportahan ang student athletes sa pamamagitan ng pagbibigay ng academic intervention at pagbabantay sa kanilang pag-aaral sa Pamantasan.

Nagpasalamat si Student Media Council (SMC) Chairperson Almon Opiniano sa pagsuporta ng pamayanang Lasalyano sa layunin ng Student Media Groups (SMG) na maglahad ng wasto at akmang impormasyon sa mga estudyante. Binanggit din niya ang mga nagawa ng SMGs para sa kasalukuyang akademikong taon tulad ng Comprehensive Media Education Program (CMEP), Para sa Bayan at Lasalyano (BayLayn) 2017 ng Ang Pahayagang Plaridel, Photo Distribution ng Green & White 2017, at iba pa.

Inilahad naman ni Catholic Religious Organizations of Students (CROSs) President Toni Sarcida ang pakikipag-ugnayan ng CROSs sa religious organization at Lasallian Pastoral Office sa Pamantasan. Sa pamamagitan nito, matagumpay na naipamalas ng CROSs ang Lasallian Core Values sa pamayanang Lasalyano.

Muli namang tinanaw nila Science and Technology Complex (STC) Government Campus President Kristian Sisayan at College Presidents Jorge Francisco (CCS), Cel Cruz (BAGCED), Gabbie Perez (CLA), Rizza Tan (RVRCOB), Justine Basco (GCOE), Kyle Junsay (COS), at Chloe Cheng (SOE) ang napagtagumpayan ng kanilang mga kolehiyo tulad ng Lasallian Business Alliance, College of Education (CED) Week, Frosh Welcoming Week, at iba pa.

Bilang kinatawan ng University Student Government (USG) Executive Board, kinilala ni USG President Zed Laqui ang pagkukusa ng mga student leader na magbigay-serbisyo sa pamayanang Lasalyano. Pagwawakas niya, “It was [the initiative of] saying yes for minds to be taught, hearts being loved, and lives being touched.”

 

 

 

Tweet about this on TwitterShare on FacebookEmail this to someone

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <s> <strike> <strong>

Login

Lost your password?