Incumbent EXCEL2018 VP Whang, guilty sa kasong kinaharap; suspendido sa posisyon

5 August 2017
536 Views

ni Robert Jao Diokno

HINATULAN si incumbent EXCEL2018 Batch Vice President Steven Whang ng guilty sa kasong isinampa ng Alyansang Tapat sa Lasallista (Tapat) sa isinagawang pagdinig ng USG Judiciary noong Agosto 4 sa Meeting Room 1, 4F Henry Sy Sr. Hall. Nakasentro ang kaso sa kumalat na post sa DLSU Profs to pick patungkol sa isang group chat na naglalaman ng mga malalawaswang pahayag ni Whang patungkol kay incumbent EXCEL2017 Batch President Seanne Esguerra.

Ayon sa USG Constitution, maaaring magresulta sa impeachment ng isang opisyal kung mapatutunayang nagpakita siya ng ugaling nakasisira sa integridad ng USG.  Gayunpaman, napagdesisyunang haharap lamang si Whang sa suspensyon mula sa panunungkulan at magsasagawa ng public apology hinggil sa insidente.

Sa idinaos na pagdinig, binigyang-diin ng kampo ng Tapat na naniniwala silang hindi wastong pag-uugali ng isang USG officer ang ipinamalas na aksyon ni Whang.

Depensa ng kabilang panig, agad na napagsabihan si Whang matapos ang insidente. Dagdag pa nila, gamawa na ng mga hakbang ang akusado upang humingi ng tawad sa biktima.

Sa sinumpaang salaysay ni Tal Dela Rosa, unang testigo para sa kaso at kasalukuyang  Activities & Advocacies Chairperson ng School of Economics Government, ibinahagi niyang nilalayon ng group chat na makakuha ng mga opinyong makatutulong upang mapaigting pangangampanya ng mga kandidatong bahagi nito.

Bukod dito, inihayag ni Dela Rosa na natural kay Whang na magbigay ng ganoong klase ng biro. Aniya, pinagsabihan nila si Whang matapos mangyari ang insidente.

Sunod na nagbahagi si Alex Burgos, ikalawang testigo at kasalukuyang EXCEL 2018 Batch President. Paglalahad niya, nakausap na niya si Whang at inamin ang kanyang pagsisisi sa nagawang hindi magandang aksyon. Humingi na rin, aniya, ng tawad si Whang kay Esguerra at sa comment section ng naturang post.

Matapos ang deliberasyon, binigyang-diin ng Judiciary na hindi impeachment at tanging suspensyon lamang ang hatol na ibinigay kay Whang.

Kuha ni Kinlon Fan

 

 

 

Tweet about this on TwitterShare on FacebookEmail this to someone

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <s> <strike> <strong>

Login

Lost your password?