Mga pagbabago sa bansa at epekto nito, tinalakay sa BLC 2017

29 July 2017
261 Views

nina Kathleen Elayda at Alyssa Gervacio

INIHANDOG ng Ley La Salle ang Business Law Conference (BLC) 2017 na may temang #AFFECTEDAKO: In the midst of global transformation, noong Hulyo 21 sa 5F Henry Sy Sr Hall. Binigyang-pansin dito ang mga pagbabagong maaaring abangan ng mga kabataan kasabay ng bagong administrasyon.

 

Layunin ng programa 

Sa ikaapat na taon ng BLC, patuloy na inaanyayahan ng Ley La Salle ang mga estudyante na makibahagi sa mga pangyayari sa bansa. Ayon kay Jazmin Quevada, Vice President for Membership and Human Relations ng Ley La Salle, nagsisilbi itong paraan upang malaman ng mga kabataan ang mga implikasyong maaaring makaapekto sa kanilang kinabukasan.

Aniya, “Naging makabuluhan ang BLC sapagkat perspective ng iba’t ibang kilalang mga personalidad ang nagbahagi ng kanilang oras upang maitaguyod ang mensahe ng tema ng BLC.¨

Ngayong taon, nagbahagi ng kanilang mga uwento at karanasan ang mga keynote speaker na sina First Metro Investment Corporation President Rabboni Arjonillo, MyPhone CEO at President David Lim, at Commission on Human Rights Atty. Francis Temprosa. Kanilang isinalaysay ang mga usapin tungkol sa trade custom sa panahon ng teknolohiya, relasyon sa pakikipagkalakalan, at karapatang pantao.

 

Mensahe sa Lasalyano

Sa pagtatapos ng BLC 2017, inihayag ni Quevada ang kaniyang pasasalamat sa lahat ng dumalo sa pagtitipon. ¨Sana ay marami silang [estudyante] natutunan at sila’y nabigyang linaw sa mga pangyayari sa ating bansa […]. Nais namin na lahat tayo ay makatulong sa anumang paraang ating makakaya,¨ wika niya.

Kaugnay ng matagumpay na pagtatapos ng BLC 2017, inihayag ni Quevada na muling magkakaroon ng bagong edisyon ang naturang pagtitipon sa susunod na taon. Bunsod nito, maipagpapatuloy ng organisasyon ang layuning makapagpalaganap ng mahahalagang impormasyon sa mga mamamayan.

 

Retrato – kuha ni Lyann Cabador

Tweet about this on TwitterShare on FacebookEmail this to someone

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <s> <strike> <strong>

Login

Lost your password?