#propaganda2017 | GE 2017 candidates, inilabas ang huling alas sa MDA!

17 July 2017
116 Views

nina Andre Nidoy at Joyce Ann Danieles

IBINIDA ng lahat ng mga kumakandidato para sa University Student Government (USG) General Elections (GE), ang kanilang mga plataporma at hangarin sa isinagawang Miting De Avance (MDA) 2017, Hulyo 14, sa William Shaw Little Theater.

Pinangunahan ng mga tumatakbong college presidents ang MDA sa pamamagitan ng  paglalatag ng kanilang mga plataporma at  pagbabahagi ng kanilang mga prinsipyong ipinaglalaban.

Unang nagbahagi ng kanya-kanyang layunin ang mga tumatakbong College President ng Gokongwei College of Engineering (GCOE). Ani Illiana Tan ng Iisang Tugon sa Tawag ng Panahon (Santugon), “It’s time [..] to engage with the students, [it’s] time to be one with them.” Samantala, hindi naman nagpadaig si Zam Doctolero, kandidato ng Alyansang Tapat sa Lasallista (Tapat) nang sabihin niyang “I’m here to continue our platforms. A one GCOE. Making the ordinary, extraordinary.”

Ipaglaban ang kapakanan at makipag-ugnayan sa mga estudyante ang naging pangunahing plataporma ng mga tumatakbo sa pagkapangulo ng College of Computer Studies (CCS). Wika ni Rastine Pinlac (Tapat), “A platform that fights for you and its about you. We have the vision, and a platform that will fight for you.” Samantala, ipinangako naman ni Earle Calantuan (Santugon) na maglulunsad siya ng iba’t ibang proyekto upang mabigyan ng oportunidad ang pamayanang Laslayano.

Sunod na naglahad ng kanilang plataporma sina Alex Penales (Santugon) at Nina Balingit  (Tapat), mga college president candidate ng Br. Andrew Gonzales College of Education (BAGCED). Ayon kay Penales, panahon na upang itatag ang pagkakakilanlan ng isang Lasallian Educator. Dagdag niya, “Surround ourselves with the different aspects of reality because in this way we will all together fulfill our Lasallian Educator Identity.” Sa kabilang banda, binigyang-diin ni Balingit ang kahalagan ng pagkakaroon ng pangmatagalan na solusyon. Aniya, “Long-term solutions for short-term promises. Gagawa tayo ng mga programa na nararamdaman pa rin kahit tapos na.”

Isang kolehiyo na kayang linangin ang kakahayan ng bawat isa–ito ang layunin ni Val Pagdagdagan (Tapat), tumatakbong College President ng College of Liberal Arts (CLA). Pagbibibigay-diin niya, “A [CLA] that will uplift the society, and a college that will help you develop your own capacities.”

Isinusulong naman ni CLA president candidate Aya Watanabe (Santugon) ang pagkakaroon ng karanasan ng mga estudyante na higit pa sa loob ng silid-aralan. “A maximized liberal arts experience that goes beyond us,” paglalarawan niya.

Ipinarating ni EJ Labios (Santugon), COS President candidate, na titiyakin niyang maibabalik ang tiwala ng mga Lasalyano sa USG sa pamamagitan pagkilos nang higit pa sa platapormang isinusulong. Paglalahad niya, “Trust in a leadership that has been tried, tested and true. Trust in us, as we prime you towards excellence.”

Nais namang bigyang pansin ni Loid Capalar (Tapat), College President candidate ng COS, ang mga plataporma na mag-uugnay sa mga estudyante ng COS na maging parte ng solusyon sa pagresolba ng mga isyu. Aniya, “Let us not focus on the on the personal things, let us focus on the platform. I want you to be part of the solution.”

Hindi rin naman nagpahuli ang mga kandidato sa pagkapresidente ng School of Economics (SOE) sa paglalahad ng kanilang mga layunin. Ani Seanne Esguerra (Tapat), “We are bursting with all kinds of potentials.” Ani Adrian Briones (Santugon), “Although I was never elected, being a service to you was never new to me. We provide nothing less but the best.”

Panghuli nagpahayag ng kanilang mga plataporma ang mga tumatakbong College President para sa College of Business (COB). Paglalahad ni Francis Natanauan (Santugon), “This is my vision to you, an inclusive and collaborative government that will hone you to a true Lasallian business leader.” Ibinida naman ni Liz Claudio (Tapat) ang kanyang plataporma tungkol sa isang mapagpalayang gobyerno, lalo na sa mga minoryang grupo sa Pamantasan. Pagbabahagi niya, “I want to make sure that each COB student receives what they deserve. I want to represent the unheard minorities.”

Sa pagpapatuloy ng MDA, inilatag na ng mga kandidato para sa Executive Board ang kanya-kanyang mga plataporma.

Equitable student fees ang isusulong ni Rolf Villon (Santugon) sa oras na mahalal siya bilang Executive Treasurer ng USG. Samantala, pagpapabuti ng mga programa ng Office of the Executive Treasurer (OTREAS) ang nais tutukan ni David Co (Tapat) sakaling siya ang mailuklok sa kaparehong posisyon.

Kasunod na naglahad ng mga plataporma ang mga kandidato para sa posisyong Executive Secretary. Pinangunahan ito ni Cayley McCallum (Tapat) na nagsabing, “Issue are kept away from the public. We will push for a litigation board to make sure that justice will prevail.” Inihain naman ni Trish Andulte ng Santugon ang Student Companion Mobilization Application para sa epektibong pagpapakalat ng mga impormasyon bilang bahagi ng kanyang plataporma.

Binigyang-diin naman ni Gabbie Perez (Santugon), kandidato sa posisyon na Vice President for External Affairs, ang magiging silbi ng kaniyang opisina sa oras na mahalal siya. Aniya, “My office will no longer be a choice, because it will become a need. I bring to you the inclusive social engagements”. Para kay Matt Ang (Tapat), “ OVPEA was never a choice, it is always a need. My platform is simple, to bring opportunities that will help heard our voice.”

Isinusulong ni Justine Basco (Tapat) ang “collaborative youth engagement” bilang kanyang pangunahing plataporma sa pagkandidato bilang Vice President for Internal Affairs. Sa kabilang banda, DLSU system report naman ang isa sa mga nais tutukan ni Brian Chen (Santugon) bilang kandidato sa kaparehong posisyon.

Sa huling bahagi ng MDA, hindi rin nagpatinag ang tatlong kandidato para sa pagkapangulo sa paglalahad ng kanilang mga plataporma at layunin para sa student body.

“Being a student leader is all about listening. I offer you a vision of Progressive Lasallian Engagement,” pahayag ni Karl Ong (Santugon). Nais namang tutukan ni Erielle Chua (Tapat) ang pagpapabuti ng USG sa pamamagitan ng pagkakaroon ng open government na handang makinig sa mga estudyante. Binigyang-diin naman ni Mikee De Vega (Independent) na hindi lamang pakikinig ang dapat na ipokus ng isang pinuno, dapat din na marunong siyang manindigan para sa kaniyang mga nasasakupan.

Natapos ang programa sa pagkakaroon ng isang open forum upang mabigyang-linaw ang ilang mga katanungan mula sa mga dumalo ng MDA.

 

Retrato – mga kuha ni Kinlon Fan

Tweet about this on TwitterShare on FacebookEmail this to someone

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <s> <strike> <strong>

Login

Lost your password?