Disaster reduction, tampok sa CE Focus 2017

3 July 2017
267 Views

ni Andre Nidoy

PAGGAWA ng solusyon para sa mga problemang pang-imprastraktura na dulot ng mga sakuna ang naiwang hamon para sa mga estudyanteng dumalo sa idinaos na Civil Engineering (CE) Focus 2017: Disaster Reduction Symposium, Hulyo 1 sa Henry Sy. Sr. Hall.

Unang ibinahagi ni Engr. Frederick Sison, Professional Lecturer ng Civil Engineering Department at dating pangulo ng Association of Structural Engineers of the Philippines (ASEP), ang kakulangan sa pagpapatupad ng mga alintuntunin sa mga construction site. Para sa kanya, mababawasan ang mga aksidente sa pamamagitan ng mahigpit na pagpapatupad ng mga ito. Isa sa mga alintuntuning nabanggit ang pagkakaroon muna ng karanasan sa trabaho ng mga bagong civil engineer bago sila makapirma sa mga design plan na gagamitin sa mga gusali.

Paggamit ng low impact development (LID) ang sunod na tinalakay ni Dr. Marla Maniquiz-Redillas, Associate Professor ng De La Salle University, at board member ng International Water Association (IWA) Diffuse Pollution Specialist group. Ayon sa kanya, ginagamit dito ang tubig-ulan upang makontrol ang mga baha at polusyon sa paggawa ng plano para sa lupa.

Sinundan ito ng pagpapakita ni Neyzielle Cadiz, Science Research Specialist II ng University of the Philippines’ Nationwide Operational Assessment of Hazards (UP NOAH), ng mapa na naglalaman ng mga mapanganib na lugar sa Pilipinas. Ayon kay Cadiz, ang pagbibigay ng impormasyong ito sa mga Pilipino ang isa sa mga susi upang mabawasan ang pinsalang dulot ng sakuna.

Ipinaliwanag ni Engr. Concepcion Sto. Tomas, Division Chief of Safety Control Division of Occupational Safety and Health Center, ang mga alintuntunin tungkol sa kaligtasan at kalusugan sa construction industry. Paglalahad niya, makakatulong sa pag-iwas sa mga aksidente ang pagsusuot ng protective equipment habang gumagawa sa construction site.

Huling inilahad ni Engr. Ballesteros, Senior Staff Engineer of Build Change, ang urban retrofitting

 

Retrato – kuha ni Kinlon Fan

Tweet about this on TwitterShare on FacebookEmail this to someone

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <s> <strike> <strong>

Login

Lost your password?