Sa pagtatapos ng UnivWeek: OPM bands, nagbigay-buhay sa Animusika 2017!

18 June 2017
589 Views

nina Andre Nidoy at Alyssa Gervacio

Sa simula ng programa, binuhay ng iba’t ibang indie band ang buong grounds sa pamamagitan ng pag-awit ng kanilang mga kanta. Kabilang dito ang STLO, Ang Bagong Luto Ni Enriquez, at Jenzen and the Flips.

Sinundan ito ng pagtatanghal ng mga kilalang banda gaya ng Imago, 6cyclemind, Moonstar88, SUD, Spongecola, at Parokya ni Edgar.

Sa panayam ng Ang Pahayagang Plaridel sa ilang grupo, ibinahagi nila ang kanilang karanasan sa pagdiriwang. Pahayag ni Imago vocalist Mayumi Gomez, “It’s always so exciting to perform in La Salle because the energy is so intense, every year it gets so much better and better. So we’re always excited to play.”

 

_MG_7675

 

Ayon naman kay 6Cyclemind lead vocalist Tutti Caringal, lubos niyang ikinatuwa ang mainit na pagtanggap ng mga Lasalyano sa kanilang grupo. Aniya, “Like I said on stage, this is one of the Campus gigs na nilolook forward namin […]. Sobrang ibinigay ko yung todo ko kase nag-eenjoy yung mga tao kapag nag-eenjoy din kami on stage.”

 

_MG_7952

 

Gayundin ang reaksyon ng mga myembro ng SUD na nagpahiwatig ng kanilang paghanga sa mga Lasalyano. Pagsasalaysay ni SUD lead vocalist Sud Ballacer, “Oh my God. Unbelievable. Solid. Legit. Sana ganun na lang lahat ng gigs.”

 

_MG_8431

 

Sa pagpapatuloy ng panayam, hindi rin nila pinalagpas ang oportunidad para pasalamatan ang pamayanang Lasalyano sa mainit na pagtanggap sa kanya-kanyang grupo.

“Thank you so much for inviting us every year and we hope we get to see you next year again and continue to support Filipino bands and getting OPM artist,” ani Gomez.

Nais naman hingin ni Caringal ang patuloy na pagsuporta ng mga Lasalyano sa mga musikang kanilang pinasisikat. Wika niya, “Animo La Salle! Maraming maraming salamat for supporting OPM… sana wag kami mawala sa listahan niyo.”

Mensahe naman ni Ballacer, “Animo. Salamat, kasi sobrang sinusupport ninyo yung local scene. Solid talaga yung crowd ng LaSalle. It’s really a privilege to be part of this event. Hope we get to repeat this again,”

Bilang hudyat ng pagtatapos ng UnivWeek 2017, isang fireworks display show ang natunghayan ng mga manonood.

 

Retrato – mga kuha ni Don Pablo

Tweet about this on TwitterShare on FacebookEmail this to someone

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <s> <strike> <strong>

Login

Lost your password?